Zsa Zsa Padilla, sobrang in lab sa dyowa

ADVERTISING

Zsa Zsa Padilla, sobrang in lab sa dyowa

Zsa-Zsa-PadillaIT WASN’T until at the reception (in Lobo, Batangas) ng kasal (at Sto. Domingo Church in QC) ng ABS-CBN executive na si Ms. Linggit Tan nitong Linggo that Lolit Solis and Zsa Zsa Padilla—two of the principal sponsors—sat down and engaged in a lengthy chat.

Ayon sa mismong kuwento sa amin ni ‘Nay Lolit, ang Divine Diva ang bumabangka sa kanilang tsikahan. Ang topic: ang kanyang 55 year-old architect-boyfriend na si Conrad Onglao.

“‘Day, mahihiya ang tinedyer kay Zsa Zsa sa pagkasobrang in lab sa dyowa niya,” panimula ng TV host-manager (who defied the clothing material provided by the couple. Dalawang tela kasi ‘yon na isang makapal at pang-lining na sila na lang ang magpapatahi. Ang siste, itinabi ni ‘Nay Lolit ang isang tela at ‘yung natira ang pinagawan niya ng bead work sa kanyang stylist).

“Alam mo, ‘Nay,” pagbibida ni Zsa Zsa, “Conrad and I share so many likes and interests. Sabay kaming namamalengke, something that Dolphy and I were not used to. Siyempre naman, sikat siya, we would only get mobbed.”

ADVERTISING

Tanong ni ‘Nay Lolit, do Conrad and Zsa Zsa now share the same bed? Sagot ng singer, “Yeah, pero hindi ‘yung we live na together.”

So, si Conrad ang dumadalaw sa kanyang Marina residence? “Ay, no! Siyempre, the memories of Dolphy are still around our bedroom, ‘no! Kaya ako na lang ang nagpupunta sa kanya,” kilig na kilig raw ni Zsa Zsa.

Sa loob daw ng pagkakaupo nilang ‘yon sa mesa ay walang ibang bukambibig si Zsa Zsa kundi si Conrad, kaya ang rinding-rindi nang si ‘Nay Lolit ay hindi na napigilang magdayalog, “Nakooo, tumigil ka na, Zsa Zsa! Ang landi-landi mo, ‘no!”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING