Zsa Zsa Padilla, problemado sa marital status ng bagong dyowa?

ADVERTISING

Zsa Zsa Padilla, problemado sa marital status ng bagong dyowa?

Zsa-Zsa-PadillaSA TOTOO lang, hindi ko alam kung nakita na ng mga taga-showbiz ang bagong lalaki sa buhay ni Ms. Zsa Zsa Padilla. ‘Di ko rin nasundan kung ang lalaki ay naroroon sa kasal ng anak ni Zsa Zsa na si Karylle kay Yael Yuzon.

Ang balita na nakarating sa amin, may peg na tipong Piolo Pascual  (na guwaping din na halos kasing edad ng singer-aktres na hindi sila nagkakalayo ng edad) na ang lalaki ay isang architect by profession pero hiwalay sa asawa.

The other Sunday (not last Sunday) may nakapagkuwento sa amin na andu’n daw ang mag-sing-irog sa fabulous and expensive Antonio’s Breakfast sa Tagaytay (the place kung saan doon dinala ni Gerald Anderson si Maja Salvador noong nag-date sila two Valentine’s Day ago).

Sakay ng gray Porsche ang dalawa na dumating without any alalay at sweet  sa isa’t isa na magka-holding hands noong pumasok sa restaurant.

ADVERTISING

Is it true na problema rin ni Zsa Zsa ang marital status ng bagong boyfriend na hiwalay lang sa asawa (not legally separated) at ang kasal na inaasam-asam naman ng singer ay malayo na naman yata sa realidad.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING