Zsa Zsa Padilla, may bago nang boyfriend

ADVERTISING

Zsa Zsa Padilla, may bago nang boyfriend

Gabby-Concepcion-Ogie-Diaz-Zsa-Zsa-Padilla-Gina-ParenoZsa-Zsa-Padilla“UY, ‘PAG nagkita naman kayo ni Zsa Zsa Padilla sa taping ng Dyesebel, ask mo naman siya kung totoong me boyfriend na siya.”
Hindi lang isa, kundi ilan na ang nagtatanong sa akin nito. At hindi naman namin alam kung ano’ng isasagot.
Pero dahil magkasama kami sa Dyesebel, eh saka ko lang naalalang itanong ito ke Ms. Zsa Zsa nu’ng maunang magtanong ang gumaganap na nanay niya sa Dyesebel na si Tita Gina Pareño.
“Ma, ano nga ba ang totoo? Me lovelife ka na ba ule?”
‘Yun na. Nangiti na si Zsa Zsa at inamin naman agad niya na meron na nga siyang boyfriend.
Ang ganda ng kwento ng kanilang unang pagkikita ng non-showbiz star architect na bagong apple of the eye ngayon ni Zsa Zsa.
58 years old na ito, matanda sa kanya ng 8 years. Meron itong dalawang malalaking anak at 8 years nang “single”.
Pero hanggang doon na lang ang aking kuwento, dahil baka magalit na sa amin ang aktres.
Ang importante, happy ngayon si Ms. Zsa Zsa, dahil dalawang taon mula nu’ng mamatay si Tito Dolphy, ‘pag walang work ay nagkukulong lamang daw siya sa kwarto.
Kahit daw hinahatak na siya ng mga anak niya na lumabas ay wala talaga siyang gana.
Aminado ang singer-actress na hindi pa rin siya maka-move on sa pagkawala ni Tito Dolphy na more than 2 decades niyang nakasama.
Pero sa bagong lovelife niya ngayon ay si Tito Dolohy na rin daw ang naramdaman niyang tumutulong sa kanya para maka-move on siya.
Habang nagkukuwento nga si Ms. Zsa Zsa ay kilig na kilig naman kami ni Tita Gina, hahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING