Zsa Zsa Padilla, ikakasal na rin sa architect boyfriend

Zsa Zsa Padilla, ikakasal na rin sa architect boyfriend

Zsa-Zsa-PadillaNAKU! SA taong 2015 na pala tayo magkakatsikahan uli! Ito na ang huling tsikahan natin sa taong 2014 dahil siyempre bakasyon naman, ‘no!

Ang tsika ko na lang ang aabangan natin sa susunod na taon na mga pasabog na kuwento, ‘di ba?

Kung nauso ang kasalan ngayong taon, meron pa ring magpapakasal na tiyak ikatutuwa rin ng karamihan.

Ito na nga ang kay Zsa Zsa Padilla at ang architect boyfriend niyang si Conrad Onglao.

Tsika nga ng Startalk, nakunan nila ‘yung premiere showing ng pelikulang M ni Zsa Zsa na isinali sa New Wave section.

Nandu’n itong si Conrad na umiiwas lang kapag merong media na nagku-cover.

Nandu’n din ang anak ni Zsa Zsa na si Karylle at ang isa pa niyang anak kay Mang Dolphy.

Mukhang okay naman silang lahat at kahit nga ang ibang anak pa ni Mang Dolphy ay suportado itong lovelife ni Zsa Zsa. Pero aminado pa rin ang singer/actress na minsan ay nami-miss pa rin si Mang Dolphy na nakasama nga naman niya sa halos tatlumpung taon.

Sabi ni Zsa Zsa, wala pa raw proposal sa kanya ni Conrad, pero ang dinig ko napag-uusapan na ang tungkol sa kasal.

Ang balak pa nga nilang magpakasal ay sa Italy pa raw. Kaya type ko talaga sanang mag-join du’n kung sagot nila pamasahe.

Ang isa pang aabangang kasal ay sana nga matuloy itong kina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Mukhang ready na rin naman ang alaga ko, eh. Kaya nga napag-uusapan na ang ipinatatayong bahay raw. Pero dini-deny ni Bossing Vic. Pero tingin ko, meron na talagang plano. Ayaw lang nilang pag-usapan pa.

Tingnan na lang natin next year!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis