Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, ayaw nang magka-baby ulit

Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, ayaw nang magka-baby ulit

Carmina-Villaroel-Zoren-LegaspiWALA NANG planong magka-baby ulit ang gumaganap na tatay ni Enrique Gil sa hit series na Forevermore na si Zoren Legaspi. Ayaw na raw niyang mabuntis ang asawang si Carmina Villarroel na regular namang napapanood sa Bridges of Love.

“Ayaw na namin, kasi parang satisfied na kami sa nangyayari sa buhay namin. So parang, ako ha? ‘Yung changes na mangyayari ‘pag may bagong baby, mai-influence lahat nu’ng ginagawa namin ngayon.

“Kumbaga, hindi na namin mababantayan ‘yung kambal nang 100 percent kasi meron nang baby… ganu’n. At saka, magbabantay pa ako sa kambal kung saka-sakaling mag-showbiz ang mga ‘yan, eh,” katuwiran pa niya.

Kung sakali raw na bubuo na ng pamilya ang kanilang kambal, may paraan naman daw para hindi sila malungkot.

“Baka do’n darating yung point na mag-ampon kami. Wala namang problema sa aming dalawa sa pagbuo ng baby, pero kami ang may ayaw.

“Para kasing hindi kami ready na magkaroon ng bago… Sa ngayon, sarado muna kami. Pero kung makabuo kami o aksidenteng mabuo, okey rin lang naman,” sey pa ng aktor.

La Boka
by Leo Bukas