ZERO LOVELIFE: Jake Cuenca, ayaw muna mag-girlfriend!

ADVERTISING

ZERO LOVELIFE: Jake Cuenca, ayaw muna mag-girlfriend!

ZERO LOVELIFE: Jake Cuenca, ayaw muna mag-girlfriend!
JAKE CUENCA

MANINIWALA ka ba na ang tipo ng aktor na si Jake Cuenca ay nase-zero ang lovelife?

 
Imahe kasi ni Jake ay chickboy na sa lahat ng pagkakataon ay “always” in love ang aktor.
 
“No time for love muna,’ pabirong kuwento niya sa press during a pocket presscon para sa kanyang Cinemalaya 2017 film na Requited.
 
“Mahirap kasi mag-commit dahil sa work load. Pag-work, iisa ang concentration ko.. ang trabaho ko,” sabi ng aktor na maging siya ay napapangiti na tila ayaw maniwala ng media sa kanya.

 

Passionate kasi si Jake kapag in love kaya isipin mo, siya ‘yung lalaki na kapag may minamahal or may girlfriend ay nakatutok ang mundo niya rito. Nasa masuwerteng babae ang kanyang panahon at konsentrasyon.

 
“Hindi pwede, eh. Mahihirapan ako. At this time, career muna. Heto muna ang focus ko,” sabi niya.
 
Sa  pelikulang Requited, co-producer siya. Ito ang reason kung bakit marubrub ang pokus niya.
 
 “My talent fee is waived in this film at may extra (monetary) pa kami idinagdag just to complete the film at gawin ito na maganda,” kuwento ng aktor nang makausap siya ng ilang media after the open forum portion.
 
Napag-alaman namin from his director na si Nerissa Picadizo na wala pa 1 million ang budget ng Cinemalaya sa mga napipiling mga films na nakakapasa para i-produce for the filmfest.
 

“It’s only Php 750,000

ADVERTISING
ZERO LOVELIFE: Jake Cuenca, ayaw muna mag-girlfriend!
Jake Cuenca with Requited director Nerissa Picadizo

per film kaya more than that you need to look for someone to finance the project,” kuwento niya sa amin.

 
Si Direk Nerissa ay regular namin ka-tsika sa Facebook bago namin siya nakausap ng personal during the pocket presscon.
 
Isa pala sa requirements ni Direk sa kanyang mga artista (dalawang main character lang sila) ay marunong mag-bisikleta which is just perfect for Jake dahil isa siyang triathlon athlete kaya madali para sa aktor lalo pa’t ang location ng pelikula ay sa paanan ng Mt. Pinatubo which is one of the hardest and difficult terrain for biking dahil sa mabato at ma-lahar.
 
 Love story ang pelikula ni Jake with actress Anna Luna na kilala sa mga indie films.  May sakit na Parkinson’s Disease ang karakter ng aktor who plays Matt na habang binabaybay nila ang pagbibisikleta nilang dalawa ay throwback mode sila dahil dating magkarelasyon ang dalawa sa kuwento ng pelikula
 
Ang pelikulang Requited ay mapapanood sa Cinemalaya simula August 4 (Friday) until August 13 (Sunday,next week) kung saan sa August 9 ay magkakaroon ng Gala Night ang pelikula at 9:00 in the evening CCP Main Theater.
 
By the way, si Jake ang gaganap sa role ni Lizardo sa  level-up version Carlo J. Caparas classic na Ang Panday na mapapanood sa MMFF 2017 na ididirek ni Coco Martin.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING