Zanjoe, pagod nga lang ba sa trabaho kaya malungkot at nangangayayat?

ADVERTISING

Zanjoe, pagod nga lang ba sa trabaho kaya malungkot at nangangayayat?

Zanjoe Marudo
Zanjoe Marudo

Medyo may lamlam kay Zanjoe Marudo noong humarap siya sa press kamakailan para sa promotion ng pelikula niyang “The Third Party”, kung saan kasama niya sina Angel Locsin at Sam Milby.

“Pagod lang siguro,” sabi niya sa amin nang uriratin namin siya na tila malungkot siya.

Wala naman siyang sakit. “After nitong presscon namin, babalik din kami sa location para tapusin ang naka-schedule na mga eksena,” sabi ni Z.

Kung walang abala at nasunod ang eksaktong schedule, natapos na nila ang shooting o pagbubuo ng pelikula na nakatakda nang i-showing next Wednesday (October 12).

ADVERTISING

Sa sobrang siksik sa shooting sched nila, maging ang pictures na gamit sa promotion ng pelikula at poster, doon na sa set nila sa bandang Commonwealth nag-pictorial almost three weeks ago.

Siguro dahil sa trapik sa Metro Manila, wise idea lang na para walang abala at hindi matrapik, sa set na lang ng pelikuka sila nag-pictorial.

Sa press launch ng pelikula nina Z, Angel, at Sam, may pasabi na kaagad na walang personal questions. No questions that’s not related about the film ang puwedeng itanong, narinig kong sabi ng isa sa mga AdProm ng Star Cinema.

Pero after ng general question and answer, pumayag naman ang AdProm na magtanong direkta ang press sa tatlo na nagsipagsuguran sa harap para malapit sa mga artista.

Daming nakasahod kasi na hindi naman nagtatanong, might as well waley na.

Timing lang sa pagdaan ni Z palabas kasama si Sam, dumaan sila sa umpukan namin. Nagpasalamat.

Sa katunayan, napa-picture pa kami ni Z courtesy of photog Sany Chua of Push.com.

Bukod sa pagbawas niya ng timbang at ang pagiging malamlam niya noong gabing ‘yun na akala ko’y may nararamdaman siya, gusto ko sanang isingit ang tanong kung kumusta na sila ni Bea.

Mula kasi nang naghiwalay sila (na ako mismo ay nagulat at hindi ko inaasahan na maghihiwalay pa silang dalawa), parang both parties ay tumahimik. Hindi kumibo sa isyu nilang dalawa.

Pagkatapos ng promo ni Z para sa “The Third Party”, magpapatuloy pa rin si Z sa buhay niya. Who knows na after his love affair with Bea, may matatagpuan siyang iba na mas higit pa sa inaakala niyang si ex-girlfriend ang ‘The Best Girlfriend in the World’.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING