Zanjoe Marudo, umaming hiwalay na sila ni Bea Alonzo

ADVERTISING

Zanjoe Marudo, umaming hiwalay na sila ni Bea Alonzo

Zanjoe Marudo, umaming hiwalay na sila ni Bea AlonzoAkala ko noong una, publicity spin lang ng bagong teleserye ni Zanjoe Marudo ang kuwentong hiwalay na sila ng longtime girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Only last Wednesday evening, sa show ni Kuya Boy Abunda sa Kapamilya Network na Tonight with Boy Abunda ay kinumpirma ng binata ang estado nila ni Bea.

Binasag na ni Z, palayaw ni Zanjoe Marudo, ang lahat ng haka-haka tungkol sa relasyon nila ni Bea.

Aminado si Z na wala na sila ni Bea.

ADVERTISING

Diretsahang tanong ni Kuya Boy kay Z: “Zanjoe, kayo ba ni Bea Alonzo ay hiwalay na? Oo o hindi?”

“Opo,” sagot ni Zanjoe kay Kuya Boy.

Marami ang nanghinayang. Ang tagal na rin naman ng itinakbo ng relasyon nina Zanjoe at Bea.

Nagsimula ang tsismis na nagkakalamat na ang relasyon ng dalawa nang mag-post sa kanyang social media account si Z ng kanyang “solo vacation” sa Europe minus Bea. Ang dahilan daw kaya hindi niya kasama ang aktres sa kanyang European sojourn ay dahil busy ito sa promotion ng kanyang pelikulang “A Second Chance” with John Lloyd Cruz kamakailan.

Nasundan ang hinala na split na ang dalawa nang magbakasyon sa Japan kamakailan si Bea minus Zanjoe naman.

Before the interview last Wednesday evening, aminado ang binata na umiyak muli siya. In pain pa rin si Zanjoe ngayon sa pangyayari.

Pero naniniwala siya na may pangalawang pagkakataon pa. Kung kalian ito at kung magkakaraoon ng kaganapan, hindi natin alam.

Sa showbiz, ang relasyong Zanjoe-Bea marahil ang isa sa pinakamatahimik na showbiz couple noon.

Ang tsismis, sa split up nina Z at Bea, paningit naman daw ngayon si John Lloyd Cruz na sinasabing a shoulder to cry on ng aktres na pinabulaanan naman ng girlfriend ni Lloydie na si Angelica Panganiban dahil sila pa rin daw ni JLC.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING