Zanjoe Marudo, takot mawala sa buhay niya si Bea Alonzo!

ADVERTISING

Zanjoe Marudo, takot mawala sa buhay niya si Bea Alonzo!

Zanjoe Marudo, takot mawala sa buhay niya si Bea Alonzo!

OO, I’M IN love with Bea.”

Ito ang deretsang pag-amin ni Zanjoe Marudo kay Toni Gonzaga sa The Buzz when he was asked if he’s in love with Bea Alonzo. Halata mo naman sa kanyang mga mata at kilos that he is head over heels in-love. He also admitted that he sees Bea as the woman he wants to spend the rest of his life with. Maliban pa rito ay sinabi niyang bestfriend niya ang magandang aktres.

Kumusta na ang relasyon nila ni Bea ngayon? “Ako, nandoon na ako. [Siya] malapit na yata, malapit na,” sagot ni Zanjoe. Takot daw si Zanjoe na mawala sa kanyang buhay si Bea at inamin niya na sinabihan na niya ito ng ‘I Love You.’

ADVERTISING

Umugong ang balita tungkol sa pagkakamabutihan nilang dalawa noong nakaraang taon. Ngayon ay hindi na nila alintana ang mga ka-merang walang sawang nakatutok sa kanila which means they are very comfortable in the company of one another. Hindi ba’t sa isang golf tournament in Tagaytay ay sabay pa silang dumating at nakitang sweet na sweet sa isa’t isa?

Zanjoe and Bea recently flew to Paris. This was Bea’s first time to go to Paris samantalang nakapunta na rito si Zanjoe when he filmed Lovers in Paris with Piolo Pascual and KC Concepcion. “Masayang-masaya iyong Paris kasi first time pumunta ni Bea sa Paris. Nagtrabaho kami pero isang araw lang naman. One week, seven days kami nag-stay roon. Pero nag-side trip kami. Nagpunta kami ng Florence noong time na free kami,” kuwento ni Zanjoe.

Natuloy na sa wakas ang plano ni Zanjoe na dalhin si Bea sa sinasabi niyang isang garden restaurant na pinuntahan nila dati nina Piolo at KC sa Paris. “Mas romantic sana, gabi naman siya kaya lang alas-nuwebe na may araw pa so pumapasok iyong araw sa loob ng restaurant, so para siyang isang lunch.”

Sa kalaunan ay naging lovers sa totoong buhay sina Piolo at KC. Is it also a good sign na magiging ganito rin ang kahahantungan nina Bea at Zanjoe matapos nilang pumunta sa The City of Romance? Abangan natin.

Parehong busy ang dalawa sa kani-kanilang showbiz career. Bea is the female lead of Guns and Roses while Zanjoe is promoting his new movie Wedding Tayo, Wedding Hindi with Toni Gonzaga and Eugene Domingo and taping his upcoming teleserye Hiyas with Mercedes Cabral and Megan Young.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING