Zanjoe Marudo, sumusunod sa yapak ni Vic Sotto

ADVERTISING

Zanjoe Marudo, sumusunod sa yapak ni Vic Sotto

Zanjoe-MarudoNAPANOOD NA namin ang My Illegal Wife at totoo ngang ‘yung bansag ni Direk Tony Reyes na si Zanjoe Marudo na ang young Vic Sotto ay naramdaman namin sa movie.
‘Yun bang hindi masyadong nag-e-exert ng effort si Zanjoe para magmukhang nakakatawa talaga.
Although siyempre, sabi nga, kakain pa ng alikabok si Zanjoe para marating ang narating ni Bossing Vic.
Kung ikukumpara sa Bromance na siyang launching movie noon ni Zanjoe, mega-effort talaga si Z sa obra na ‘yon ni Direk Wenn Derramas.
Dito kasi sa MIW ay ramdam mong movie ito ni Mareng Pokwang, dahil halos lahat ng eksena, puro Powkey.
Pero panalo ‘yung mga spoof  nila sa My Legal Wife, Maybe This Time at hindi na namin sasabihin pa kung ano ‘yung ending nito na nakakatawa talaga, dahil halos lahat, alam na du’n hango sa isang blockbuster hit movie ang ending.
Hahahaha! Tawa kami nang tawa roon. Lalo na sa mga kagaguhan ni Empoy Marquez na puwede nang bigyan ng launching movie ng Skylight Films na maindie productions ng ABS-CBN.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING