Zanjoe Marudo, nakatagpo ng bagong ka-loveteam kay Beauty Gonzales

Zanjoe Marudo, nakatagpo ng bagong ka-loveteam kay Beauty Gonzales

Zanjoe-Marudo-Beauty-GonzalesIPINU-PUSH NGAYON ng ABS-CBN ang tambalan nina Zanjoe Marudo at Beauty Gonzales sa TV series na Dream Dad. Inumpishan na ng series ang kilig-kiligan moments ng karakter ng dalawa (Zanjoe as Baste and Beauty as Alex) at marami naman ang natutuwa.
Nag- transform na rin ang itsura ni Beauty sa TV series. Tinanggal na ang kanyang salamin kaya lumabas na ang kanyang ganda.
Masaya naman si Zanjoe na nakatagpo ng bagong ka-loveteam at umaasa siya na mai-inspire ang mga nanonood sa kanilang tambalan na parang na-in love ang boss sa kanyang secretary.
Samantala, patuloy ring pinatutunayan ng child star na si Janna Agoncillo na gumaganap naman bilang “Baby” sa Dream Dad na walanang puwedeng kumabog sa galing niya sa pag-arte. Aba, kayang-kaya niyang makipagsabayan kina Zanjoe at Gloria Diaz. Napaka-talented ng batang ito, huh!
May balita rin kamii na meron na siyang pelikulang gagawin sa Star Cinema at makatatambal niya ang isa pang sikat na child star na anak ng sikat na TV personality. Nagsimula ang career ni Jana nang makita siya sa TV commercial ng McDonald’s.

La Boka
by Leo Bukas