Zanjoe Marudo, mami-miss ang mga eksena nila ni Piolo Pascual! – Alex Brosas

ADVERTISING

Zanjoe Marudo, mami-miss ang mga eksena nila ni Piolo Pascual! - Alex BrosasZanjoe Marudo, mami-miss ang mga eksena nila ni Piolo Pascual! - Alex BrosasNAG-REACT ANG TAGA-PRODUCTION NG GMA-7 sa item namin kay Marian Rivera last Monday.

Nakausap namin ang isang taga-GMA at sinabi nitong hindi binastos ni Marian ang isang matandang publisher na nagpa-autograph sa kanya.

ADVERTISING

Ang kuwento ng aming kausap, totoong may lumapit na babae kay Marianita para ibigay ang isang magazine noong sila ay nasa Japan at nagdi-dinner. Pero, magalang naman daw na humindi si Marian na tanggapin ang mag dahil ang nasa cover nga ay sina Rhian Ramos at Dingdong Dantes. Feeling kasi nito, hindi para sa kanya ang mag.

So, there!

HINDI NAG-INIT ANG ulo ni Piolo Pascual noong last few taping days ng Lovers in Paris. Nalungkot lang siya dahil patapos na ang serye nila this week.

ADVERTISING

“Hindi naman nag-init ang ulo ko. Nalungkot lang ako kasi parang ang bilis naming matapos. Why would somehting as beautiful as this end so fast,” sabi ni Piolo.

Sadness din ang nakita namin sa mga mata nina Zanjoe Marudo at KC Concepcion.

Sobrang thankful nga si Zanjoe kay Piolo dahil marami silang eksena together na dramatic acting talaga ang kanyang ipinakita.

“Ang hirap makahanap ng ganitong klaseng tao lalo na si Piolo. Pinabayaan niya akong mag-shine sa bawat eksena na ginagawa namin. Mami-miss ko talaga ‘yon,” say ni Zanjoe na gumaganap bilang Martin.

Hinayang na hinayang naman si KC who plays Vivian dahil magtatapos na ang kanilang soap.

“Sa last day ng taping, doon ko na-realize na napakalaking accomplishment na halos one year itong trinabaho. Siguro magiging weird lang kung magigising ako one day, ‘Ay wala palang taping.’ Parang iba na pala ‘yong work.”

NUKNUKAN PALA NG arte itong si Jennica Garcia.

Bakit?

Eh, kasi, kahit saan pa lang taping or shooting ay kasama niya ang kanyang alalay. As in kahit saan siya magpunta ay ka-join niya ang kanyang assistant.

At alam n’yo bang hindi pumapasok sa comfort room si Jennica nang mag-isa lang? Kailangan, ka-join niya ang kanyang dyulalay. Hindi raw siya sanay na mag-isa lang sa banyo.

Nakakatawa nga dahil sa isang shooting, hindi raw pinapasok ng may-ari ng bahay si Jennica dahil gusto nito’y kasama pati ang kanyang assistant sa pagpunta niya sa banyo. Katakut-takot na pakiusapan daw ang nangyari, pero sa bandang huli ay napapayag na rin ang house owner. Medyo na-shock lang daw ang may-ari ng bahay kung bakit kailangang may kasama pa si Jennica habang siya ay dumudumi.

Temaarts talaga itong si Jennica.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING