Zanjoe Marudo, itinangging nasa peligro ang relasyon nila ni Bea Alonzo

ADVERTISING

Zanjoe Marudo, itinangging nasa peligro ang relasyon nila ni Bea Alonzo

Zanjoe-MarudoGOING STRONG at hindi totoong nagkakalabuan sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Wala mang update about engagement or proposal, nilinaw naman ng aktor sa presscon ng Dream Dad na okey na okey sila ni Bea. Nagtataka nga raw siya kung bakit may balitang kumakalat na nasa peligro ang kanilang relasyon.

“Okey naman kami. Walang problema sa amin ni Bea. ‘Yong konting mga problema, hindi naman nawawala ‘yon, pero ang mahalaga, pinag-uusapan n’yong dalawa ‘yon para hindi na lumala,” paliwanag ng aktor.

Baguhang bata ang makakasama ni Zanjoe sa Dream Dad sa katauhan ni Jana Agoncillo na napansin ng ABS-CBN sa TV commercial ng McDonalds kasama ang veteran star na si Marita Zobel. Ayon kay Ginny Ocampo, business unit head ng Dream Dad, matagal silang naghanap ng bata na magsuswak sa project.

“Four months ‘ata kaming naghanap at nagdasal na sana ay makita namin ‘yung bata na babagay sa role. Napakadami naming ginawang audition, hanggang finally, nakita namin si Jana,” kuwento pa niya.

ADVERTISING

Ang Pure Love star na si Yen Santos ay kasama rin sa Dream Dad at ang balik-Kapamilyang si Maxene Magalona. Excited si Yen at kabado sa unang tambalan nila ni Zanjoe.

Sa Nov. 24 (Lunes) na magpi-premiere ang Dream Dad after TV Patrol.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING