Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, ‘di minamadali ang kasal

ADVERTISING

Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, ‘di minamadali ang kasal

Bea-Alonzo-Zanjoe-MarudoDAHIL NAUUSO ang marriage proposal sa mga artista, naitanong tuloy kay Zanjoe Marudo sa ginanap na presscon ng Maria Leonora Theresa na idinirek ni Wenn Deramas under Star Cinema kung wala rin ba siyang balak yayain si Bea Alonzo?

Ayon sa actor na gumaganap na isang bading sa nasabing movie, sa ice bucket challenge na lang daw sila makikiuso ng girlfriend na si Bea at hindi sa marriage proposal na usong-uso ngayon.

Sabi ni Zanjoe, pinaghahandaan pa raw niya ang gagawin niyang marriage proposal kay Bea.

“Dinadahan-dahan. Pinaghahandaan ko ‘yung mga ganoong bagay, dahil alam ko naman na espesyal ang mga ganoong bagay at siyempre hindi naman ‘yun minamadali,” say ni Zanjoe.

ADVERTISING

Samantalang nang makatsikahan naman namin si Bea, sinabi nito na hindi naman sila nagmamadali ni Zanjoe na lumagay sa tahimik. Marami pa raw silang balak sa buhay at hindi rin itinanggi na kapwa sila breadwinner ng boyfriend ng kani-kanilang pamilya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING