‘Yun lang daw kasing dyinodyowa ang may projects: baklitang TV exec, na-memo-han

ADVERTISING

BLIND ITEM: True kaya ang nasulat na nabigyan ng memo ang isang baklitang executive ng isang network? Naimbiyerna raw ang mataas na official ng network nang malaman niyang playing favorite ang beking TV exec at ‘yung mga dyinodyowa lang niya ang maraming assignments sa kanilang network. Kapag hindi ka raw pumatol sa balyenang bading na ito ay tiyak na frozen delight ang beauty mo.

Meron yatang isang actor na nagkalakas ng loob na magsabi sa top executive ng network about the gay TV exec na ginagawang lover ang mga actor sa kanilang kuwadra kaya ayun, na-memo-han daw ang hitad. Well, it’s about time na tanggalin na siguro ang baklitang ito dahil sa ginagawa niyang lover ang mga actor na prayoridad niya.

By Alex Brosas

ADVERTISING