Ysabel Ortega, sobrang grateful sa manager na si Ogie Diaz

ADVERTISING

Ysabel Ortega, sobrang grateful sa manager na si Ogie Diaz

Ysabel Ortega With Manager Ogie Diaz
Ysabel Ortega With Manager Ogie Diaz

 Nagpapasalamat si Ysabel Ortega sa pagkakasali niya sa TV series na “Born For You” ng ABS-CBN. Tinatampukan nina Janella Salvador at Elmo Magalona, si Ysabel Ortega ang third party sa relasyon ng mga bida rito.

“Tuwang-tuwa po talaga ako nang nalaman ko na kasali ako sa show. Kasi po noong time na iyon, katatapos ko lang din ng acting workshop sa Star Magic. Kaya ready’ing-ready na po ako para sa next kong project. Kaya eksakto po nang tinawag ako para sa “Born For You”.

“Ako po ‘yung third party roon, ang pangalan ko roon ay si Nina. Ako po ‘yung ex-girlfriend ni Kevin na karakter ni Elmo.

“Abangan po sana nila lagi ang “Born For You” at ang tandem nina Sam-Vin (Janella at Elmo), maraming pasabog po sa serye, kaya abangan nila. Pati po ‘yung twist sa character ko rito,” saad ng anak nina ex-Senator Lito Lapid at ng singer na si Michelle Ortega.

ADVERTISING

Dagdag pa niya, “Actually po, last year pa po ako nag-audition para sa “Born For You”. Kaya nang nalaman ko po na kasali ako, sobrang tuwa ko po talaga. Dahil after ng “OTWOL” with JaDine, ‘eto naman ang kasunod kong show. Kaya happy po ako na sunud-sunod din iyong blessings.”

Ayon pa sa dalaga, bawal siyang magka-BF dahil mahigpit ang kanyang mommy at ang manager niyang si Ogie Diaz.

“Bawal po, bawal na bawal!” nakangiting saad ni Ysabel. “Sobrang higpit po, mahigpit na mahigpit silang dalawa ng Mama ko.

“Gusto po nila Mama ko at ni Tito Ogie Diaz na focus muna ako sa career ko. Saka na po iyong love life and masyado pa naman akong bata pa rin, seventeen pa lang po ako now.”

Mas mahigpit pa ba siya sa dad mo?

“Parang… minsan po parang mas mahigpit pa si Tito Ogie. Pero out of love po iyon. Concerned lang talaga siya sa akin,” nakangiting wika pa niya.

Ano ang payo ni Ogie sa iyo bilang aktres? “Galingan ko raw po palagi, na dapat lahat ng ekesena ay ibinibigay ko naqng buong puso ko at ang best ko. Kasi kung hindi ko raw gagalingan, paano ako magkakaroon ng next project?

“At saka sinasabi niya na always be positive at makinig sa kanila ni Mama.”

Sinabi rin ni Ysabel kung anong klaseng manager si Ogie.

“Very maalaga po si Tito Ogie, hindi po niya kami pinababayaan. Gusto niya talaga ay hindi kami nag-i-slack-off. Gusto niya ay inilalagay namin sa puso ang mga ginagawa namin. Bawal po ‘yung, ‘Okay na ito.’ Dapat po ay todo-bigay talaga.”

Parang second father mo na rin ba si Ogie? “Opo, parang second father ko na rin siya.”

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING