Ysabel Ortega, may sama ng loob sa amang si Sen. Lito Lapid

ADVERTISING

Ysabel Ortega, may sama ng loob sa amang si Sen. Lito Lapid

Ysabel-Ortega-Ogie-DiazHINDI MAN niya sinasabi na may problema sila ng kanyang ama, hatala at ramdam mo na may sama ng loob ang baguhan na si Ysabel Ortega (anak ni Sen. Lito Lapid at ng dating That’s Entertainment star na si Michelle Ortega ) na nami-miss niya ang kanyang ama.

Almost a year na palang hindi nakikita ni Ysabel si Sen. Lito. The last time na nagkita sila at nagkausap was last December 2014, kung saan nagpaalam siya sa ama na gusto niyang pasukin din ang showbiz.

Sa interbyu namin kay Ysabel last Saturday evening sa pamamagitan ng manager niya na si Ogie Diaz ng OgieD Productions, Inc., napaluha ang dalaga nang uriratin na ang relasyon ni Ysabel kay Sen. Lito. Nahihiya mang aminin nito na may problema sila ng ama, alam mong may pinaghuhugutan ang dalaga.

Lately, kapag tini-text ni Ysabel ang ama, hindi raw ito nakapagre-reply sa kanya. Pero naniniwala ang dalaga na kahit nabawasan na ang pagkikita nila ng ama na si Sen. Lito, hindi pa rin siya bumibitaw. “Baka busy lang. The last time, sabi niya sa akin, next year he will run for a seat as Mayor of Angeles City. I love my dad. Wala akong sama ng loob sa kanya,” panigurado sa amin ng dalaga.

ADVERTISING

Si Ysabel who plays the role of Angela sa hit teleseryeng On The Wings Of Love (OTWOL) ang sinasabing panggulo sa magandang relasyon nina James Reid at Nadine Lustre, reason kung bakit bina-bash na rin siya ng JaDine fans.

“Pero naiintindihan ko po sila. Noong una, I get affected, pero later on na-appreciate ko ang reaction niya dahil effective pala ako sa role ko. Ang alam ko po kasi later on sa kuwento ide-develop na ako po yata ang magiging third party sa relationship nila,” sabi ng dalaga na super pretty.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING