Youth role-model, basagulero!

KUNG MAHILIG KAYONG manood ng mga commercial sa TV, surely maaalala n’yo pa si Franco Mabanta, ang binatilyong excited na excited magkaroon ng cellphone. “Just call me Jasper” ang mga katagang maaalala natin sa commercial ng isang sikat na softdrinks.

Ngayon, super-sikat na si Franco sa mundo ng Poker. Maraming kababaihan talaga ang nabibighani kay “Jasper,” marami rin naman ang naiinis dahil nakaiirita nga naman ang karakter niya sa commercial. Talaga bang nakaiinis si Jasper in real life?

Well, huling-huli ng ating kamerang-gala sa Boracay noong April 19, ang Jasper na ito na nambubugbog ng isang radio jock ng Magic 89.9. Nakita umano si Franco na biglang sinugod si Samir Gogna, na mas kilala bilang Sam YG, DJ ng isang sikat na segment na “Boys Night Out.”

Galit na galit umano si Franco at talagang mega-suntok to the maximum level si kuya. Sumugod rin ang mga friendships ni Franco para makisapak rin sa muntik nang mahubarang DJ. Inawat ang pag-aamok nila ng isa ring DJ ng “Boys Night Out” na si Tony Tony at isinakay sa bangka ang friend niyang si Sam YG, kung saan nakasakay rin sina Raimund Marasigan (vocalist ng Sandwich) at Rico Blanco (former vocalist ng Rivermaya).

Ano kaya ang puno’t dulo ng awayang ito? Mukhang hindi na lang sa pagkakaroon ng cellphone excited itong si Papa Jasper, kundi excited rin siyang manapak! Tingin namin, eh inutangan ni Franco ang bumbayin effect na si Sam YG at masyado yatang malaki ang tubo para sa kanya, huh!

Ano ba, hindi pa ba enough ang tubig sa Bora para mapalamig ang mga ulo ng mga basagulerong ito?

By Faith Salazar
Photos by Parazzi Wires

Previous articleJayson Gainza, hospitalized
Next articleCooking Angel

No posts to display