‘YOU’RE WELCOME’: Barbie Forteza nag-react sa hiwalayan diumano nila ni Jak Roberto (sumosobra na!)

MATAGAL na namin napapansin na madalas na pinagtitripan ng mga netizens ang real-life Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza na kilala rin bilang ‘JakBie‘. Nag-umpisa ito nang magpost ng sunod-sunod na articles ang official website ng kanilang home network kung saan kahit ang mga simpleng detalye ng kanilang relasyon ay pinapalaki nila.

'YOU'RE WELCOME': Barbie Forteza nag-react sa hiwalayan diumano nila ni Jak Roberto (sumosobra na!)
Jak Roberto and Barbie Forteza

Dahil sa mga ‘simple’ moments na ginagawan pa rin ng articles ay may mga taong nakapansin na tila may ilan na ginagamit na ang JakBie sa kanilang clickbait stories. Ang iba ay natutuwa, pero may ilan din na tila concerned dahil walang tigil na ang pagviviral nito.

Ang latest ay ang isang satire Facebook page na nagpost na diumano’y hiwalay na raw sina Jak at Barbie dahil nakalimutan diumano ng binata ang kanilang fourth monthsary. May ilang netizens na inakalang ito ay totoo dahil ginamit nila ang logo at font ng isang news site. May ilan naman na hindi muna nagbabasa at basta na lang nagshi-share ng kung anu-ano sa social media.

Para sa ilan ay katawa-tawa ito, pero para sa amin, tila sumosobra na ‘yata. Magaling na aktres si Barbie Forteza at nakakalungkot lang na parang ginagawang laughing stock ng mga tao ang relasyon nila ni Jak Roberto.

Sa mga concerned, hindi po totoong hiwalay na ang JakBie. Sa katunayan, magkasama pa nga sila na nagpabakuna kamakailan lang.

Umabot na kay Barbie ang pagkalat ng fake news na ito.

“125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome.” simpleng tweet ni Barbie.

'YOU'RE WELCOME': Barbie Forteza nag-react sa hiwalayan diumano nila ni Jak Roberto (sumosobra na!)
Barbie Forteza’s reaction on viral ‘JakBie breakup’ fake news

Sa tono nito ay halatang nagtitimpi lang si Barbie. Siguro ay dapat na gumawa na rin ng hakbang ang kanyang home network sa pamamagitan ng pagsulat ng mas magagandang writeups tungkol sa magdyowa at hindi lang basta kung anu-ano. Kung mismong home network kasi ang nagpapakalat ng mga ganitong balita ay mas lalong magiging matapang at nahihikayat ang mga walang magawa na gumawa ng kalokohan sa social media.

Barbie Forteza is a respectable actress!