Young star, may attitude problem na sa set, sobra pang dalahira!

ADVERTISING

SINO KAYA ITONG youngstar na hindi pa nga sikat ay may attitude problem na?
Nalungkot kami sa mga balitang nakarating sa amin tungkol sa youngstar na ito dahil lumaki na raw ang ulo nito at feeling sikat. Dumarating daw ito sa set ng isang programa na animo ay isang donya. Late na nga kung dumating ay matutulog pa sa set.

“Juice ko, ‘day! alam na niyang late na siya, matutulog pa iyan bago magpa-make-up. kaya ang ending, nagkaka-letse- letse ang taping!” sabi ng aming source.
Bukod sa may attitude problem, masyadong dalahira pa rin daw ito, na ultimo mga bestfriend ay pinangangalandakan ang baho sa mga kaibigan.

ADVERTISING

“Ang plastik-plastik niya. Hay naku, ‘Day! Kapag kaharap ka, all praises siya sa iyo, pero kapag nakatalikod ka na, lahat ng paninira, sasabihin niya sa iyo. Ganyan ang babaeng ‘yan kaya walang tumatagal na kaibigan.
Ang bida sa ating blind item ay araw-araw nating napapanood sa panggabing programa ng isang kilalang TV Network. Tsuk!

(By Morly Alinio)

ADVERTISING