Young star, dinedma ang TV celeb sa kanilang store!

GRABE NAMAN ANG kamalditahan nitong young star nang sadya nitong hindi pansinin ang isang pamilya na kumakatok sa kanilang convenient store noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Stranded at na-stuck sa baha ang nasabing pamilya kaya’t nag-decide silang magpahupa sana sa isang gasoline station na mayroong convenient store. Ang siste sarado na nga ito. Pero dahil sa mahabang oras nilang pagkakababad sa trapik, sinubukan nilang makiusap na pagbilhan sila ng tubig o biskwit man lang.

“Nakilala namin ‘yung young star na nasa cashier pa at nagbabasa. Nalungkot lang kami dahil kung namo-monitor niya marahil ang naging epekto ng pagbaha, baka nagkaroon siya ng puso na pagbilhan kami. Pero dedma nga siya,” ang kuwento ng aming kausap na isa ring TV celebrity ng sikat ng network.

Obviously, nasa magkaibang networks sina young star at TV celebrity dahil kung magkakilala sila, baka hindi ganu’n ang nangyari. But still, pinatutunayan ng kuwentong ito na may mga gaya nga ni young star na kayang mangdedma at maging maldita kahit pa may trahedya na sa paligid niya.

by Ambet Nabus