Young female star, dinedma lang ng mga tao isang event

ADVERTISING

KALOKAH NAMAN itong young female star na nakita namin kung paano siya dedmahin o hindi man lang napansin ng mga tao du’n sa venue ng isang event na pinuntahan niya.

Kalokah! Dahil hindi man lang siya nakilala, o sadyang hindi pa siya kilala? Aba, du’n namin nalaman na mahina ang kanyang “dating” sa publiko. Na kahit na halos magtatatlong serye na ang kanyang pinagbibidahan ay waley pa rin.

ADVERTISING

Nandiyan na gumamit ng CR, lumabas sa maraming tao, dedmatic. So, ‘di nila knows.

Buti, nakilala ko siya. At na-invite kami nu’ng ipakilala siya para sa kanyang unang pinagbidahang teleserye. At ngayon nga, may serye siyang uumeere pa rin.

Clue: Hindi kaya dapat palitan na rin ang kanyang screen name?

ADVERTISING

Produkto rin siya ng isang pakontes. ‘Yun na…

By Fernan de Guzman

ADVERTISING