Young character actor, tumatanggi sa serye dahil sa networking

BLIND ITEM: Bongga ang isang young character actor. ‘Pag me taping, tinatanggihan na muna niya. Ayaw muna niyang magtrabaho, dahil busy siya sa isa pa niyang trabaho. Kumukubra ng hindi bababa sa P200k a week ang aktor, hindi dahil me sinasabitan siyang bading o matrona, kungdi sa kanyang kasipagan sa networking.

Actually, kung minsan ay nag-aaway na sila ng kanyang misis, dahil wala na nga naman siyang panahon dito, pero naintindihan naman ni misis na sobrang sipag lang ng kanyang mister. Bilib nga ako sa potah, dahil puro “networking” na lang ang laman ng kanyang utak. Na in fairness, kumikita naman ang lolo mo.

Nu’ng minsang may inquiry ng isang teleserye ay tinanggihan niya, dahil ayaw siyang payagan daw ng kanyang boss at mapapabayaan ang kanilang networking business. Kaya bilang kapalit, binigyan daw siya ni Bossing ng magarang sasakyan na kumukunsumo ng 3-5k worth ng gas kada araw.

Well, sana nga, magtuluy-tuloy ang tagumpay niya sa networking na ‘yan at sana rin ay hindi ito mag-collapse, dahil kawawa naman ang mga downlines, if ever.

In fairness, guwaping pa rin ang young character actor na ito.

By Ogie Diaz

Previous articleTatlong jukebox diva, may pagka-echosera
Next articleCoco Martin, hinarap na ang isyung kinasangkutan sa Bench show

No posts to display