Young actress, nagmamaldita sa fans

BLIND ITEM: Isang young actress ang pinag-uusapan kahapon sa isang donut store dahil nga sa pagmamaldita nito. May attitude, ‘ika nga. Aba’y kamakailan nga lang sa isang event ay may nagpapa-picture sa kanya at kitang-kita ang pagsimangot nito.

Hindi tuloy maipagmalaki ng isang fan ang picture dahil nga nakasimangot ito habang katabi niya. Hindi mai-tag ng fan ang picture together with young actress.

May isa pang tsika about sa young actress dahil nga, may sagot ito ‘pag may nagpapaalam sa kanya kung puwedeng pagpa-picture. “Para saan itong picture na ‘to!” sey niya.

Kalokah, ‘di ba? O, knows n’yo na ba kung sino siya?

Baka naman sabihin n’yong mahadera ang young actress? Baka naman pagod lang ito. Ayaw ko nang magbigay ng clue, mahahalata na…

By Fernan de Guzman

Previous articleAktor na sexy ang projection, gustong makaiskor sa bading
Next articleJodi Sta. Maria at Richard Yap, binago ng kiligserye ang kanilang buhay

No posts to display