Young Actress, lumabas ang pagkamaldita!

NABUBUWISIT ANG direktor sa bida niyang young actress, dahil ang tagal na pala nito sa set ng pelikulang ginagawa nila ay hindi pa ito nagpaparamdam. ‘Yun pala nasa loob lang ito ng van at naghihintay lang ng tawag kung eksena na niya.

Eh, ke Direk, sana man lang ay bumaba ito at nagbibigay-pugay at naghe-hello sa mga staff at TV crew para hindi naman isipin ng mga ito na kung sino siyang primadonna.

Super sorry naman ang bagets nu’ng  tumalak si Direk. Hindi na raw mauulit. Pero ang itinuturo ng bagets na me kasalanan ay ang madir daw niya na nagsabing ‘wag siyang bababa hangga’t hindi niya eksena.

Pero ang point ni Direk, bigay-pugay lang naman ang kailangan, ba’t kailangang masyokot sa madir?

So nag-I therefore conclude sila na maldita talaga ang young actress, diva?

(By Ogie Diaz)

Previous articleYoung Hunk Actor, mas type magpa-booking sa mga bagets kaysa sa mga thunders!
Next articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 17 January 20 – 22, 2012

No posts to display