Young actress, kuntodo kuwento sa mga kaibigan ng ‘kalaswaan’ nila ng kanyang dyowa

ADVERTISING

KUNG TITINGNAN MO ang aktres na ito ay parang napaka-refined. Wala sa hitsura niya na bungangera siya at walang pakundangan kung magsalita.
In the company of her friends pala ay iba ang drama ng young actress. Napakaprangka nito at mahihiya ang taong makakarinig sa mga ginagamit niyang salita.
Parang balewala lang sa young actress kung marinig man siyang nagkukuwento ng kalaswaan. Siya pa mismo ang nagtsitsika kung ano ang ginagawa nila ng kanyang boyfriend. Walang keber ang hitad na idetalye ang kanilang sexual acrobatics.
Iniintindi na lang nga mga kaibigan ang aktres kapag nasa mood siyang magkuwento ng mga bagay na dapat sana ay sa pagitan lamang ng magdyowa. Napapailing na lang sila kapag iminumuwestra pa ng young star ang sexual positions na kanilang ginagawa.
At magaling ang aktres, ha? Kahit na kasi experienced na siya sa sex ay hindi pa ito nabubuntis.
Sinex ang aktres? Naku, ang unang tatlong letra ng kanyang name ay panlalaki. Gets n’yo na?

(By Alex Brosas)

ADVERTISING
ADVERTISING