Young actress, buntis kaya nangibang-bansa?!

ADVERTISING

NAKO, SINO ITONG young actress na buntis daw? Pero bago pa lumobo ang tiyan (ewan namin kung nakaalis na o nandito pa, ha?) ay nakatakda nang lumipad patungong US kung saan titira muna siya hanggang sa makapanganak sa daddy niya.
Sabi nga namin sa aming source, ba’t kailangang itago eh, lalabas din naman ‘yan balang-araw? Mas magandang aminin na ngayon at tiyak na hahanga pa sa kanya ang mga tao.
Ginawa mo, eh ‘di panindigan mo, ‘di ba? Teka, sino ba ang dyowa nito ngayon? Sana, panindigan ng lalakI ang kanyang ginawa. It’s a blessing, kaya ‘wag ikalungkot.
Meron nga kaming kilalang aktres, nagbuntis hanggang sa makapanganak, hindi pa rin niya maamin sa mga reporter na siya’y nanay na, kaya hindi niya tuloy ma-enjoy ang kanyang pagiging ina.
Kaya ‘wag na kayong manghihingi ng clue kung sino ito, dahil in fairness, gusto namin ang PR ng batang ito. Mukhang prinsesa, pero very down-to-earth.

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING
ADVERTISING