Young Actor-TV host, mahilig magpakain nang buong-buo! – Ogie Diaz

Young Actor-TV host, mahilig magpakain nang buong-buo! - Ogie Diaz

Young Actor-TV host, mahilig magpakain nang buong-buo! - Ogie DiazBLIND ITEM: MAHILIG pa rin palang “makipaglandian” sa kanyang condo unit ang isang young actor-TV host. Basta me babaeng maganda at naramdaman niyang type siya’t pinararamdam din sa kanyang ubod siya nang macho at to die for ang kanyang katawan, eh, napakasuwerte na ng babae.

Aayain na niya ito sa kanyang condo at ‘yun na. Me drama siyang, “Sige, ‘yan ang gusto mo, kainin mo ako nang buong-buo!”

Ang naturang bagets ay may sakit na “narcissism” o ang labis na pagmamahal sa sarili.

Ang clue? Basahing mabuti ang situwasyon.

INAMIN AGAD NI Zanjoe Marudo na yes, nag-Hong Kong nga sila ni Mariel Rodriguez. Actually, namili sila sa Hong Kong ng mga panindang damit ni Mariel sa bazaar na sasalihan nito.

[ad#post-ad-box]

So, ibig sabihin, very much on pa rin silang dalawa at hindi totoong split na ang kumare at kumpare naming ito.

Talagang feeling close kami, o!

PUMASYAL KAMI SA taping ng Banana Split nu’ng Tuesday kung saan absent daw si Pokwang, nasa Europe tour kasama ang Heartthrobs na sina Piolo Pascual at Papa Sam Milby plus John Lloyd Cruz.

“Wala rin si RR (Enriquez, ng Wowowee), me sakit. Si Angelica Panganiban naman, nagpaalam. Birthday niya kasi,” sey ni John Prats.

“Ako, sa totoo lang,” sey pa ni Pratty, “lagi akong excited ‘pag me taping kami nitong Banana Split. Kahit inaabot ito nang 4 or 5 A.M. kinabukasan, okay lang sa akin, kasi, buti nga, studio kami, eh. Me aircon. Suwerte na rin kami.”

Ah, siguro, ang tinutukoy ng lolo n’yo, eh, ‘yung mga teleserye, on location. Walang aircon, naka-tent lang na may aircon. Pero sila, nasa istudyo lang at sobrang lamig nga naman du’n.

Kami naman sa May Bukas Pa, oo nga, umaasa lang kami sa dressing room naming may aircon. Pero sabi nga, pagkainit-init man ng panahon, choosy ka pa ba? At least, me work ka, ‘di ba?

‘Yung iba nga, laging naka-aircon, pero lagi lang nasa bahay. Jobless.

TINANONG NAMIN SI Jayson Gainza, pero ipinasa niya kami sa kanyang driver na siyang nagkumpirmang si Nadine Samonte nga ang kaharap nilang nakaupo sa kaha ng isang convenient store sa may gasoline station nu’ng kasagsagan ng bagyong Ondoy at uhaw na uhaw ang binahang si Jayson.

“Kami ni Jayson, nasa harap na niya, bumibili kami ng mineral water, ayaw niya kaming pansinin. Panay pa ang text niya. Eh, siya ang nakaupo sa kaha, siyempre, iisipin namin, sila ang may-ari, ‘di ba?

“Pero hayaan n’yo na po ‘yon. Mahirap kalaban ‘pag babae. Mami-misinterpret lang na parang kami pang mga lalaki ang nakikipag-away sa babae. Nakaka-turn-off lang. Magandang babae pa naman, namimili lang ng kausap at bebentahan!”

Me gano’n?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz