Young actor, sinilipan ng dalawang bading habang natutulog – Ogie Diaz

ADVERTISING

Young actor, sinilipan ng dalawang bading habang natutulog - Ogie Diaz

Young actor, sinilipan ng dalawang bading habang natutulog - Ogie DiazBLIND ITEM:   NAALALA namin ‘yung kuwento ng isang sexy actress. Nu’ng lagi niyang bisita ang isang guwapong bagets actor sa kanyang condo unit ay walang araw na bumibisita na hindi sila nagse-sex nito.

ADVERTISING

One time, after nilang mag-sex, eh, nakatulog nang himbing na himbing ang bagets.  Ang ginawa ng sexy actress, pinapunta niya ang dalawa niyang friend na bading sa kanyang condo unit.

Pagdating doon, tulog na tulog pa rin ang bagets sa kuwarto.  Eto na ang nakakalokah, niyaya ni aktres ang mga kaibigan na pumasok sa kanyang kuwarto at meron siyang ipasisilip.

“Ay, bongga, teh, andito ang bagets. Tulog na tulog!”  At siyempre, ang ginawa ng aktres, inililis ang kumot na nakatabing sa nakahubong bagets.  Ayan at tumambad, nag-hello ang notes ng bagets.

ADVERTISING

“Ay, mare, bongga pala!  May sinasabi ang lolo mo!  Mestisong-mestiso!”

Hahaha!  ‘Kalokah talaga ang mga bading, kaya ang initials ng bagets na ‘to, nasa first ten letters sa alphabet.  Magkasunod, ha?

TOTOO BANG SI Zanjoe Marudo ay nagrereklamo na sa dami ng trabaho?  Hindi na raw siya makapagpahinga?

‘Yan ang nakalagay na headline sa isang diyaryo.  Pero agad namang ipinagtanggol ni Mama Bear (ang executive producer ng Banana Split) si Zanjoe.  “It was taken out of context!”

So, hindi gano’n ang pagkakasabi ni Zanjoe?  Paano ba niya sinabi?

Anyway, mas gusto na namin ‘yung wala nang pahinga sa katatrabaho kesa naman wala nang pahinga sa kahahanap ng trabaho.

ABANGAN NATIN SI Rufa Mae kung papasok siya sa Showbiz Central sa Sunday, dahil sinusulat ito’y iritang-irita pa rin si P-Chi sa kanyang co-host na si DJ Mo Twister, dahil sa inilagay nito sa kanyang twitter account na pati personal na buhay ni P-Chi ay pinakikialaman niya.

Sana nga, naging reporter na lang si DJ Mo para mas matanggap siya ng mga artista na inookray niya ang mga ito habang perfect ang tingin niya sa sarili.

Isa sa mga araw na ‘to, pag hindi nag-ingat-ingat si DJ Mo sa katabilan ng dila at panulat niya, eh, makakahanap din siya ng katapat.

At sabi nga ni P-Chi, “Mas magandang intindihin na lang niya ang maysakit niyang anak.  Mas kailangan siya ng anak niya, kesa sa akin niya ibinubuhos ang panahon niya!”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING