Young actor, pinagtataasan ng kilay ang pagiging virgin pa raw sa bading

ADVERTISING

KILALA N’YO ba kung sino itong young actor na wala pa raw siyang experience sa bading? Marami ang nagtataas ng kilay dahil nga bakit daw wala, e, madalas niyang kasama ang bading na maimpluwensiya ngayon sa showbiz. At napagkikita sila sa mga events.

Ang tsika, kaya raw walang maka-score sa young actor ay ibinilin daw si young actor ng kanyang tita na actress sa bestfriend nitong actress.

ADVERTISING

Yes, ‘di na active ang kanyang tita na actress. Na kapag may gustong manligaw o manghada sa young actor ay magsumbong kaagad ito sa actress.

‘Yun na… O, knows n’yo na ba kung sino siya?

By Fernan de Guzman

ADVERTISING
ADVERTISING