Young Actor, natikman na ng isang Network Executive! – Tita Swarding

Young Actor, natikman na ng isang Network Executive! - Tita Swarding

Young Actor, natikman na ng isang Network Executive! - Tita SwardingOLA CHIKKA! I’M sure, mga kafatid, mawiwindang kayo sa aking pahuhulaan kung sino itong bagets actor na nagkakaroon na ng name sa industriya at tinitilian na ng mga kababaihan at ng mga bading, na meron ding dugong berde, charing!

Marami sa mga showbiz insiders ang nakapapansin sa guwapong young actor na ito na kahit saang event ay every minute naman kung mag-retouch ng make-up.

Sayang dahil maganda pa naman ang kanyang katawan at meron din siyang mga abs na parang pandesal, ha-ha-ha!

Marami ang nawiwindang kay bagets actor dahil lagi na lang ay sobra na ang puti ng kanyang mukha sa sobrang pagre-retouch. Mas mukha pa nga itong girl kesa sa kanyang kapareha, ha-ha-ha!

[ad#post-ad-box]

Pero sa totoo lang, ang kapareha nito ay bata pa pero mukhang gurang na dahil luwa na ang mga nagmumurang dibdib.

Minsan sa isang event ay napansin ng make-up artist na hindi na-retouch ang face ni guwapong bagets actor. Aba mga kafatid, talbog ang lahat dahil may bitbit itong sariling make-up kit at siya mismo ang nagre-retouch sa kanyang sarili.

Kung tutuusin, hindi na kailangan ni aktor na maglagay ng make-up dahil flawless ang mukha nito pero grabe siya kung mag-retouch, ha-ha-ha!

Isa pa, nu’ng hindi pa pala sikat ang ating bida, dumaan na pala ito sa kamay ng malaking bosing sa isang network at nahagip na ng kanyang matatalim na dila, ha-ha-ha!

Oh, gets n’yo na ‘yun, ha! Clue? Ang guwapong bagets actor na ito ay may kapatid na naunang nag-artista sa kanya na sumali sa isang reality search. ‘Yon na!

SI KRIS AQUINO raw ang nag-isip ng konsepto para sa TV ad ng kanyang kapatid na si Noynoy.

Ilang araw raw itong pinag-isipan ni Kris at siya rin daw mismo ang namili kung sino ang mga artistang kasama sa campaign ad na ‘yon.

Kaya pinagsama-sama raw ng magaling na TV host ang mga artista ng magkalabang network ay para maging kakampi nila ang lahat at wala nang makapagbitaw ng kung ano mang masamang salita na hindi magugustuhan ng karamihan.

Inihayag nga ni Kris na ayaw niyang magkaroon sila ng kissing scene ng kanyang bagong leading man sa isang terleserye na si Gabby Concepcion dahil baka raw siya mapagalitan ng kanyang kapatid na si Noynoy at tawagin siyang malandi, huh!

Inihayag rin ni Tetay na sila mismong magkakapatid ang namili kung sino ang mga artistang gaganap sa gagawing pelikula tungkol sa buhay ng kanilang ina na si dating pangulong Cory Aquino.

Very careful daw ngayon si Kris sa kanyang mga binibitiwang mga salita at pinipilit raw niya na makipagsalamuha sa iba’t ibang antas ng mga tao para sa kanyang kapatid na tatakbong president. Lahat daw ng pakikisama ay ginagawa niya ngayon.

Nakakaloka, huh! Paano na kapag tapos na ang eleksiyon? Makikisama pa rin ba siya sa lahat ng klase ng tao? Naku, ha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding