Young actor, nagwawala sa twitter!

ADVERTISING

AVID FOLLOWER KAMI ng isang young actor sa Twitter, dahil siyempre, gusto naming malaman ang current status niya o ang latest tweet tungkol sa kanya.
Pero as the days went by, tila walang wawa, walang sense at kung anu-ano na lang ang maisip nyang i-tweet na parang addict lang sa droga ang nakakaintindi, kaya nag-decide na lang kaming i-unfollow ito kesa bahain ng mga hindi namin masakyang tweets niya ang aming timeline.
Pero gusto rin naming intindihin na Twitter account niya ‘yon, kaya karapatan niya kung ano ang gusto niyang sabihin sa mga followers niya.
Baka ‘yung ibang followers niya ay sinasakyan o kayang sakyan ang kawirduhan niya sa life.
Hindi lang namin siguro trip ang trip niya, kaya since Twitter account namin ito eh, in-unfollow na lang namin siya.
Ayaw ng kalye sa Maynila ng ganyan.

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING
ADVERTISING