Young actor, nadadamay sa ‘di magandang ugali ng stage mother

ADVERTISING

BLIND ITEM: Isang young actor ng isang malaking network na malamang na hindi na umakyat ang career dahil nga sa kanyang mahaderang ina.

Sobrang stage mother daw ang nanay ni young actor kung kaya naman marami na ang naba-bad trip sa ugali nito.

ADVERTISING

Yes, nadadamay nga ang young actor kaya huwag nang magtaka kung hindi na mabigyan ng work si young actor.

Sayang kung mahihinto ang career niya. Mahusay pa naman siyang umarte.

Gusto n’yo na ba ng clue? May movie si young actor na ipinalabas kamakailan na nilangaw sa takilya.

ADVERTISING

Magmadali ba naman kasing iprodyus ang kanyang anak na hindi pa naman hinog.

Ayan, flopsina award.

By Fernan de Guzman

ADVERTISING