Young actor na produkto ng reality show, nalawayan na ng negosyanteng bading?! – Tita Swarding

Young actor na produkto ng reality show, nalawayan na ng negosyanteng bading?! - Tita SwardingYoung actor na produkto ng reality show, nalawayan na ng negosyanteng bading?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! NOONG nakaraang Biyernes, December 18, isa ako nsa naimbithan upang masaksihan nag blessing at ribbon-cutting sa binuksang Papin Museum na dinaluhan ng mga kilalang kaibigan, family members, at ilang kasamahan sa hanapbuhay. Hindi rin nagpahuli at isa special na bisita ng Jukebox Queen ang ina ng Pambansang Kamao, si Mimmy Dionisia.

Sa okasyong iyon, isinabay na rin ng Jukebox Queen at ni Mommy D ang pag-aanunsiyo ng kanilang album, kung saan may biritan ang dalawa.

Naloka nga ang lahat, dahil sino ba naman ang mag-aakalang ganu’n pala kagaling kumanta ang ina ni Manny Pacquiao. Hmmm… may pinagmanahan ang Pambansang Kamao. Hehe! Charot!

Dahil nasa bahay lang mismo ng Jukebox Queen ang kanyang museum, halos hindi magkandaugaga ang mga tao upang masaksihan ang beauty ng dalawa. Sobrang dami ng tao at siksikan na sa loob. Kelerke nga naman!

Sabi nga ni Imelda, “Sa museum na ito, dito makikita ang lahat ng aking collections, nu’ng wala pa akong malay, at nagkaroon na ng malay, at hanggang sa mawalan ng malay.” Kaya halakhakan ang lahat.

Mula sa mga album, mga kasuotan niya, sa mga produktong inendorso ng Jukebox Queen, magazines, at sa kanyang Imelda Papin Foundation, at marami pang iba ay makikita lahat sa kanyang museum.

Pero agaw-pansin ang larawan nu’ng kabataan ni Imelda, nang sumali ito sa isang beauty contest. Dahil pati ang pagpapaseksi ay nasubukan na rin niya.

Sa kanyang mga album at concert memorabilla, agaw-pansin ang mga nakasabayan ng Jukebox Queen. Hindi lang local artists, nakasabayan din niya ang mga kilalang international singers. Pero hindi iyon ipinagsigawan ni Imelda.

Hindi kagaya ng iba riyan na naka-duet lang si ganu’n, hay naku! Kinabukasan, nasa telebisyon na at nag-iingay na kesyo may album siya kasama si ganu’n. Etsingera!

Hindi pahuhuli si Mommy D na bumirit pa at muling sinagot nito ang isyung inimbitahan daw ni Manny si Krista Ranillo at binigyan pa ito ng mahahaling tiket ng eroplano at VIP room sa isang kilalang hotel sa GenSan.

“Hindi po totoo ‘yun, at tigilan na nila ang puro gawa-gawang isyu. Hindi ko naman kilala si Krista. Basta, tigilan na nila ‘yan. Wala pong katotohanan ‘yan,” sabi ni Mommy D.

Pero ibinunyag naman niya na ang regalong ibinigay sa anak nu’ng nag-birthday ay hindi raw materyal, kundi makita lang daw itong sumayaw roon. Kalerke! Talbog! ‘Yun na!

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Dahil itong si sikat na young actor, matapos na manalo sa isang reality show kung saan siya tinanghal na grand winner ay ibinugalu raw ito agad ng isang kilalang TV executive sa isang negosyanteng bading na may-ari ng isang salon. Naku, ha?!

Chikka ng aking parazzi girl, ipinangako raw ng TV executive na magaling daw mag-alaga itong si negosyanteng bading at nangako rin daw ito na pasisikatin, huh!

Natupad naman ang pangarap ng young actor dahil sumikat nga naman siya. Kaya lang, dumaan muna siya sa mga laway ni negosyanteng bading, huh!

Dagdag pang chikka nng aking parazzi girl, una sobrang mahiyain daw itong si young actor, pero nang makilala na niya nang lubusan si negosyanteng bading, ay naku, ‘day! Mas magaling pa raw siya rito. Hahaha!

Naku, ano kaya ang masasabi ng manager niya ngayon na friend ko pa naman? Hahaha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding