Young actor na natsitsismis na bading, nagparamdam sa isa pang baguhang aktor! – Archie de Calma

Young actor na natsitsismis na bading, nagparamdam sa isa pang baguhang aktor! - Archie de Calma

Young actor na natsitsismis na bading, nagparamdam sa isa pang baguhang aktor! - Archie de CalmaWALA NAMANG BIG deal para kay Susan Roces kung Kapuso na siya ngayon samantalang dating Kapamilya siya. Wala raw siyang exclusive contract kahit na kanino at nagtatrabaho lang base sa kung kailan siya pupuwede at kung gusto niya ang offer.

Tampok si Susan Roces sa kauna-unahang GMA Christmaserye na may pamagat na Sana Ngayong Pasko. At sa launching nito, nilinaw ni Tita Susan ang isyung ang anak niyang si Mary Grace Poe ay hindi na tatakbo sa pagka-Senador sa susunod na eleksiyon, gaya sa unang naiulat.

“May sarili siyang rason at nasa edad na siya para ipaliwanag mismo kung bakit hindi siya natuloy,” paglilinaw pa ng Movie Queen.

Hindi raw pagba-back out ang term na dapat gamitin dahil hindi naman nagsalita si Mary Grace na sigurado na ang pagtakbo niya sa 2010 elections. Sa pag-iikut-ikot daw kasi ni Mary Grace sa bansa, nakita niya ang mga problema, at naniniwala siyang hindi pa nga panahon para siya’y kumandidato.

Sa puntong ito, hindi interesado ang biyuda ni Fernando Poe, Jr. na mag-endorse ng sinumang kandidato. Naka-focus daw siya sa kanyang commitments sa GMA-7 para sa Sana Ngayong Pasko, kaya sa ngayon, ito na muna ang pagkakaabalahan niya at hindi ang pulitika.

SA ISANG AWARDS night daw, naobserbahan ng ilan sa press na malalagkit ang tingin ng isang young actor na matagal nang natsitsismis na bading sa isa pang baguhan, to the point na disimuladong nagpi-flirt-flirt ito.
Natural, maraming mga bading doon at umaandar ang gaydar nila. Ito rin ang young actor na mataray raw mag-comment sa mga babae, na hindi ugali ng isang tunay na lalaki.

Ang co-star niya sa isang drama series ay sinabihan niyang, “Ang lakas ng loob mong mag-backless, puno naman ng freckles ang likod mo!”

Sa pagkairita ng co-star, ang nasabi na lang nito, “P**ah kang bakla ka!”

Ang isa pang co-star niyang babae ay “bakla” ang tawag sa kanya. Kahit term of endearment ‘yun, ito raw ay resulta ng hindi gaanong magandang trato niya sa female co-stars niya kaya nababastos na rin siya.

Ang nakatutuwaan daw kachika at ka-bonding nito ay ang isa pang male-co-star niya sa nabanggit na teleserye na natsitsismis ding kabaro niya.

Calm Ever
Archie de Calma