Young actor, malungkot ang karanasan bago kinilala ng amang sikat na actor

ADVERTISING

MALUNGKOT ANG karanasan ng isang young actor para siya kilalanin at tanggapin bilang tunay na anak ng kanyang daddy na isang sikat na actor. Halos kinailangan pa niyang ipagpilitan ang kanyang sarili para lang magkalapit sila ng kanyang daddy. Hindi naman mamanahin ang kanyang kailangan, kundi ang talagang kilalanin lang siya.

Pinagdudahan ng sikat na actor kung tunay nga niyang anak anak ang guwapong bagets na lumaki sa ibang bansa kasama ang kanyang mommy na sa ibang bansa rin nakatira ang mga kaanak. Sa katunayan, hindi pinatira ng sikat na actor si bagets sa magara niyang bahay sa isang sikat na subdivision. Bagkus, pinatira lang niya si bagets sa isang simpleng bahay sa Quezon City, na pag-aari rin ng sikat at guwapong actor.

ADVERTISING

Maganda, seksi, at ligawin ng mga kalalakihan ang mommy ni Bagets. Pero magkamukha talaga ang mag-ama. Kaya maraming kakilala ni sikat na actor ang nagsabing huwag na siyang magduda kung anak nga niya ang guwapong bagets, dahil para silang pinagbiyak na bunga sa hitsura. Dati ay tutol ang daddy na mag-showbiz ang nagpakilalang anak niya. Ngayon ay sumisikat na sa pelikula at teleserye ang bagets actor.

By Melchor Bautista

ADVERTISING