Young actor, enjoy sa pagiging bottomeza?! – Ogie Diaz

ADVERTISING

Young actor, enjoy sa pagiging bottomeza?! - Ogie Diaz

Young actor, enjoy sa pagiging bottomeza?! - Ogie DiazBLIND ITEM: KALOKAH naman kung totoong “bottomeza” ang isang young actor. ‘Yan ay kung true, ha? Dahil ang alam namin, gano’n lang siya talaga kalamyang kumilos, pero lalaking-lalaki ito.

ADVERTISING

Juice ko, iniilusyon pa nga ng kabaklaan ang kamachohan ng bagets na ito na ‘pag naghubad, ang kinis. Pati fez, makinis.  Pati ngipin, maganda ang tubo.

Tapos, sobrang na-shock kami upon learning (upon learning talaga?) na siya pala ay nag-e-enjoy sa “sodomy scene.”

Kung sino ito, naku, basta bata pa siya. ‘Wag n’yo nang itanong ang edad niya, dahil baka magka-idea pa kayo. Hehehehe!

ADVERTISING

GUSTO NAMING BATIIN si Zaijian Jaranilla, dahil nagwagi siya bilang “Best New Male TV Personality” sa nakaraang Star Awards for TV. Ito ay dahil sa pagiging Santino niya sa May Bukas Pa.

Pero wait, me ka-tie siya: si JR de Guzman na napapanood sa Midnight DJ na kami ang kinukulit ng mga friends namin kung sino ito. At bakit daw mas tinalo pa nito si JC Tiuseco?

Hindi namin masasagot ‘yan, dahil hindi naman kami member ng PMPC.

Basta si Santino, deserving talagang magwagi.

SI JOROSS GAMBOA ay nagwagi bilang Best Actor In a single Performance. Gano’n din si Sunshine Dizon as Best Actress.  Kaso, ba’t gano’n? Ba’t parang hindi nila ine-expect talaga na sila ang wagi?

Kitang-kita kasi sa mga mukha nila, eh. Mahuhusay na aktor ‘yan, pero parang hindi sila marunong umarte na sila’y nagwagi talaga.

At least, si Gretchen Barretto, parang hindi talaga makapaniwalang siya’y wagi. Nag-cry me a river pa ang lola n’yo, kaya sobrang na-touch kami sa kanyang acceptance speech.

SO, ITIGIL NA ang agam-agam na si Kabayang Noli de Castro ay kakandidato uli bilang Vice President o Presidente.  Nagpahiwatig na siya nu’ng tanggapin niya ang special recognition na ang naturang award na nakuha niya bilang isang broadcaster ay signal na siya’y pinababalik na sa radyo.

Nagpalakpakan ang mga tao.

Oy, hindi pa hiwalay sina Tony Boy Cojuangco at Gretchen Barretto, ha? Katunayan, magkasama ang mag-partner sa Star Awards. Kasama pa nila ang kanilang unica hija na si Dominique.

Ipinakilala pa nga ni Gretchen sa kanyang acceptance speech si Tony Boy bilang kanyang, “My partner, my lover, my true love.”

At nagsimula nang umagos ang luha ni Greta.

AT TEKA, SINO ‘yung matangkad na guwapong guy na kasama na ‘yon ni Dra. Vicki Belo? Ang taray. Mas guwapo pa ito kay Hayden Kho, in fairness.

Sige nga, matanong nga si Doc one of these days!

Katabi namin all through out si Diether Ocampo, kasama ang kanyang dyowa na si Reema na parang naulinigan naming ang tawag sa kanya’y “Daddy.”

Maya-maya pa, dumating na sina Oyo Boy at Kristine Hermosa na nasa first row at kami’y nasa 3rd row. Mukhang behaved ang estranged sweethearts. Siguro, respeto na lang sa mga kasama nila.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING