Ynna Asistio, walang reklamo sa mabagal na takbo ng career

ADVERTISING

Ynna Asistio, walang reklamo sa mabagal na takbo ng career

Ynna Asistio, walang reklamo sa mabagal na takbo ng careerSLOWLY BUT surely ang nangyayari sa career nitong Ynna Asistio. Kaya naman hindi mo mariringgan na nagrereklamo sa career na tinatamasa niya ngayon.

Hindi man super aktibo ang kanyang career, hindi naman siya nawawalan ng work. Mapa-TV man o pelikula. Masaya na siya sa estado niya.

Patuloy naman kasi siya sa kanyang pag-aaral sa Centro Escolar University. At nasa third year college na siya ngayon.

Hanga nga ang maraming press kay Ynna dahil sa hindi nito tinalikuran ang kanyang studies. Iba na ang may pinag-aralan….

ADVERTISING

Anyway, kasama si Ynna sa movie na Dilim ng Regal Films na pinagbibidahan ni Kylie Padilla at Rayver Cruz. Kasama sina Ella Cruz at Rafael Rosell.

Hindi man maganda ang naging billing sa movie ni Ynna, wala siyang reklamo. ‘Yun na !

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING