Ynna Asistio, idedemanda na rin Annabelle Rama, pinagbintangang bugaw!

ADVERTISING

Ynna Asistio, idedemanda na rin Annabelle Rama, pinagbintangang bugaw!

Ynna Asistio, idedemanda na rin Annabelle Rama, pinagbintangang bugaw!INAABANGAN NGAYON ang muling pagkikita nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro dahil sunud-sunod pala ang mga hearing nila na maaaring pagtatagpuin silang dalawa.

Iniiwasan sana ng piskalya na magkita sila uli dahil baka maulit na naman ang gulong nangyari nu’ng nakaraang taon.

Sabi kasi ni Annabelle, kapag nakakarinig siya ng mga kasinungalingan daw kay Nadia, umiinit talaga ang ulo niya kaya hindi malayong mangyari na maulit uli ang gulo. ‘Pag nagtagpo sila uli, tiyak na may mga sasabihin na naman si Nadia na ikagagalit niya, kaya ewan ko na lang kung makapagpipigil pa si Annabelle.

Nu’ng nakaraang Lunes, si Bisaya lang ang sumipot sa hearing nila sa San Juan Prosecutor’s Office, dahil nag-submit lang naman ito ng reply sa counter-affidavit ni Nadia.

ADVERTISING

Kasama ni Annabelle nu’n si Miriam Quiambao para magbigay lang ng statement na wala sa kanya ang sofa na sinasabi ni Nadia. Nandu’n din ang matagal na katiwala nina Annabelle at Eddie Gutierrez na si Mang Rudy para mag-testify naman para kay Annabelle siyempre. Siya kasi ang nag-ayos nu’ng mga gamit na kinuha diumano ni Nadia, na ang sabi ni Annabelle, hindi pinaalam sa kanya ni Nadia na kukunin niya ang mga ibang mga gamit.

Medyo matagal pa iyan dahil magsasagutan pa sila ng kani-kanilang affidavit kaya tingnan na lang natin kung ano ang kahihinatnan nito.

Meron namang tatlong kasong isinampa si Nadia at bukas na raw nila ito haharapin sa piskalya ng San Juan. Pero ngayong araw naman ay maghaharap sila sa Quezon City Prosecutor’s Office para naman sa kasong Child Abuse na isinampa ni Nadia kay Annabelle.

Baka raw pag-ayusin na lang sila na parang mediation na. Pero sa takbo ng mga pangyayari, mukhang malabong mangyari ‘yun dahil pareho silang galit sa isa’t isa.

Sabi naman ng abogado ni Annabelle na si Atty. Howard Calleja, open daw sila sa posibilidad na pag-aayos basta maglabas lang daw si Nadia ng public apology at bayaran daw nito si Annabelle.

Siyempre, tumatanggi naman si Nadia dahil siya naman daw ang complainant bakit daw siya ngayon ang mag-a-apologize. Kaya tuloy ang kaso niyan.

Sagot naman ni Annabelle, hindi pa rin siya tapos dahil balak daw nitong idemanda si Ynna Asistio. Pinagbintangan daw kasi siyang ibinugaw sila. Dapat patunayan daw ‘yun at sabihin nina Ynna kung kailan, saan at kung paano sila ibinugaw.

Sobrang sinira raw siya ng mga bintang na ‘yun nina Nadia, kaya dapat na pagbayaran daw nila ito.

‘Di ba mahabang usapin pa iyan, at magulo pa? Kaya ewan ko kung kailan pa ‘yan matatapos.

Sabi naman ng Chief Prosecutor’s Office ng Quezon City, bibilisan daw nila ang kasong ito para matapos na agad ito.

Hindi natin masasabi kung aakyat ito sa korte o hindi. Kaya abangan na lang natin.

So far, panay pa rin ang patutsadahan nila sa kani-kanilang Twitter account, kaya talagang sinusubaybayan ng mga tao ang away ng dalawa.

 

NAI-SHARE NA nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung ano ang gagawin nila sa Valentine’s Day, pero hindi ko pa alam kung natuloy ito at kung ano ang nangyari.

Ang isa pang curious ako ay kung ano naman kaya ang ginawa nina Bianca King at Dennis Trillo sa Valentine’s kasi hanggang ngayon, super-deny pa rin sila na sila na talaga. Iniiwasan na nga nilang pag-usapan ito kaya asahan na nating wala silang sagot tungkol dito.

‘Di ba nu’ng graduation ni Bianca nu’ng nakaraang Sabado, hindi naman sumipot si Dennis? Alam yata nila na kukunan ‘yun ng media kaya walang Dennis na dumating. Napabalita kasi noon na dadalo raw si Dennis, kaya inabangan naman ng mga reporters.

Malay natin, baka sa blow-out na lang dumating si Dennis para maki-celebrate sa graduation nila. Kaya asahan na natin na wala silang maikuwento kung paano nila sinelebreyt ang Valentine’s Day.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING