Yilmaz Bektas’ new girl is also a Filipina?!

ADVERTISING

 Yilmaz Bektas’ new girl is also a Filipina?!

 Yilmaz Bektas’ new girl is also a Filipina?!  OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Nakakalokang chikkahan ang mga eksena at shocking na sa tinagal-tagal na walang intriga sa hiwalayang Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas, heto’t may nakapag-chikka sa akin na ang bagong dyowa ngayon ni Yilmaz ay isa ring Pilipina.

ADVERTISING

Nakakawindang ang isyu, dahil true talaga ang eksena ng isang Pilipina na naging artista rin dati at naging kasabayan ni Francine Prieto noong araw.

Everyday daw silang magka-chat sa YM pa… ang taray naman talaga at nagka-cam-to-cam pa. At ang sagot na nga lang daw ng Pilipina ang hinihintay para makuha na siya rito sa Pilipinas.

Ang tanong: Totoo kaya ang nararamdaman ni Yilmaz dito, o pinagti-tripan lang niya ang babae para talagang mahumaling ito ay may pagkaabalahan siya.

ADVERTISING

Pero ang chikka sa amin ng babae ay totoo raw dahil nagpadala pa raw siya ng tauhan para lang mapatunayan ni Yilmaz na totoo ang kanyang nararamdaman. Kung willing daw ang babae na sumama na siya kay Yilmaz, magpapadala raw siya ng pera para maayos ang papers nito.

Naku ha?! Nakaka-shock na isyu talaga ang mga eksenang ito. Hindi ko talaga kinekeri. Kaya abangan natin kung uuwi this June si Yilmaz para mailantad na kung sino ang kanyang bagong dyowa na Pinay rin. ‘Yun na!

MAS NAKAKA-SHOCK NA isyu ito dahil pinilit umano ni Mariel Rodriguez na naipasok sa show si Pokwang, para nga makasama niya muli ito. In fairness naman, nu’ng lumabas si Pokwang sa show, talaga namang napasaya niya ang show ng Happy Yipee Yehey.

Pero hindi pala raw iyon ng tunay na motibo ni Mariel, dahil nga raw talagang may kaplastikan ito. Alam n’yo ba kung bakit ginawa ‘yun ni Mariel? Para nga raw mawala na si Toni Gonzaga sa show na ‘yun.

Nakaka-shock ‘di ba? Hindi mo rin talaga makeri kung bakit may ganu’ng eksena. Totoo nga talagang may kaplastikan itong si Mariel. Simple lang kung tumira, patagilid, sa sinasabi niyang kaibigan niya or BFF… hahahaha!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING