Yexel Sebastian, magpapasikat sa kanyang mall tours

ADVERTISING

Yexel Sebastian, magpapasikat sa kanyang mall tours

Yexel-Sebastian

VERY HONEST sa pag-amin ang Youtube Sensation at nakatatandang kapatid ng yumaong si Jam Sebastian na si Yexel Sebastian na katulad ng kanyang kapatid ay gusto niya ring sumikat.
“Ayoko pong magpaka-plastic, ‘yun naman ang gusto kong mangyari, ang sumikat. Nagawa ko nang sumayaw, umarte, kaya ngayon gusto ko namang i-try ang pagkanta. Sa title pa lang nga ng kanta ko, “Gusto Ko, Sumikat”, gusto ko talagang sumikat.”
Sariling komposisyon daw ni Yexel ang “Gusto Ko, Sumikat”. Na-inspire daw ito sa kasikatan nina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, atbp. Kaya nagawa niya ang kanta na ngayon, lagi nang napakikinggan sa iba’t ibang radio stations.
At para raw mas sumikat pa ang kanyang kanta, magkakaroon ito ng Pasikat Tours na magsisimula sa Sept. 5 – Starmall Alabang; Sept. 6 – Starmall Bulacan; Sept. 12 – Starmall EDSA; Sept. 20 – Sta. Lucia Mall; Sept. 27 – SM San Mateo; at Oct. 17 – Fisher Mall. Makasasama niya Group Internet Sensation na Upgrade.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING