“Yes. Derek and I are no longer together” – Andrea Torres

ADVERTISING

KINUMPIRMA NA mismo ni Andrea Torres sa pamamagitan ng news program ng Kapuso Network na 24 Oras ang pinag-uusapang hiwalayan nila ni Derek Ramsay.

“Yes. Derek and I are no longer together”. Ito ang tipid ngunit diretsong sagot ni Andrea Torres isang araw matapos kumpirmahin mismo ni Derek Ramsay sa kanyang social media account ang pinag-uusapan ng bayan. Ayon pa kay Derek, mahal niya si Andrea kaya ipagtatanggol niya ito laban sa mga bashers and haters.

ADVERTISING
"Yes. Derek and I are no longer together" - Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

“I’d rather keep the details private as I want to give the break up the same amount of respect that I had for the relationship. I think you all know how much it meant to me. I hope you understand.”

Dagdag pa ni Andrea, “I will always wish him and his family well.”

Nakakalungkot isipin na sa hiwalayan nauwi ang inaakala natin lahat na magandang relasyon. Sa totoo lang, marami ang nabigla sa balitang ito dahil months ago lang ay nagpa-house tour si Derek kasama si Andrea. Ang akala tuloy ng mga fans ay si Andrea na ang babaeng pakakasalan at iuuwi ni Derek sa kanyang pinaghirapang mansyon. Very vocal din naman ang aktres sa pagsabi na hindi siya sang-ayon sa live-in at mas pabor siya sa kasal muna bago magsama sa iisang bubong ang magkarelasyon. Isa kaya ito sa dahilan ng kanilang hiwalayan?

ADVERTISING

May ilang personalidad na nadadawit sa break-up na ito, pero mismong si Derek ang naglinaw na hindi third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Pls don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman.

“There is no third party!!!! The breakup has happened so fast.”

Patuloy ng hunk actor, “Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang.

"Yes. Derek and I are no longer together" - Andrea Torres
Andrea Torres | Andrea carrying Derek Ramsay

“We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves.

“Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”

Well, at least there’s respect between the two. Ang tanong: Ano ang mangyayari sa joint business venture nila? Kanino mapupunta ang income ng kanilang YouTube channel na AnDrek vlogs na may 287,000+ subscribers na? Matutuloy pa ba ang teleseryeng pagsasamahan sana nila sa GMA-7?

ADVERTISING