Yeng Constantino, wala raw malisya ang paghanga kay Enchong Dee

ADVERTISING

Yeng Constantino, wala raw malisya ang paghanga kay Enchong Dee

Yeng Constantino, wala raw malisya ang paghanga kay Enchong DeePALIBHASA MAY bagong music video si Yeng Constantino at si Enchong Dee ang kanyang leadingman kaya’t ganu’n na lang kung purihin niya ang actor. Mismong ang Rock Princess ang kumausap kay Chong, hindi naman ito nagdalawang salita. Agad nitong pinaunlakan ang alok ng dalaga.

Inamin ni Yeng na matagal na pala siyang may crush kay Enchong kaya niya ito kinuha. Pero bakit ngayon lang siya naging vocal tungkol sa tunay nitong nararamdaman sa binata? Nilinaw ni Yeng na walang malisya ang paghanga niya kay Enchong. Bukod daw sa guwapo, mabait  at masarap katrabaho,  sobrang nag-enjoy si Yeng habang ginagawa nila ang music video.

Kahit inamin ni Yeng crush niya si Enchong, parang wala lang, alam kasi natin ang totoo. Hindi pa rin mawala sa kaisipan ng mga tao ang pagdududa sa tunay na gender ng rock singer. Bukas sa publiko ang tunay na namamagitan kina Chong at Julia Montes. Naudlot lang ang kanilang love affair nang iugnay si Julia kay Coco Martin para sa promo ng kanilang teleserye. Ngayong tapos na, balik Enchong Dee uli si Julia para sa bagong teleserye ng dalawa.

Sakyan na lang natin si Yeng kung bakit siya nag-iingay. Siyempre, para i-promote ang kanyang latest video. ‘Yun lang, wala nang iba pa. Sino naman kaya sa mga Star Magic talent ang susunod na magiging crush ng Rock Princess?

ADVERTISING

Yeng Constantino, wala raw malisya ang paghanga kay Enchong Dee

DIRETSO RING sinabi ni Yam Concepcion na crush niya si Ejay Falcon. Bakit kamo? Magkasama kasi sila sa teleserye ng Dos. Wala raw siyang nakikitang masama kung malaki ang paghanga niya sa actor. Pero kung sakaling liligawan raw siya ng binata, mas gugustuhin niyang maging friends na lang sila. Hindi raw kakayanin ng bold star na pagsabayin ang career at lovelife dahil ngayon palang nagsisimula ang kanyang showbiz career. Hindi nito itinangging nagka-boyfriend na rin siya in the past.

Kung pakakatitigan mo si Yam, larawan siya ng kawalang-malay dahil sa maamo nitong mukha. Kung hindi pa namin napanood sa DVD ang super bold film niya na Rigodon with John James Uy na dinirek ni Erik Matti. Hindi namin siya makikilala sa teleseryeng Dugong Buhay. This time, nagpaka-wholesome ang dalaga sa nasabing soap para maiba naman ‘yung image niya sa una niyang pelikula. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na siya gagawa ng bold film. Depende raw sa project at kung sino ang director.

Hindi ikinahihiya ni Yam na nakilala siya as bold star. Ito nga ang naging daan para mabilis ang kanyang pagsikat. Pangarap niya maging versatile actress, iba’t ibang character na hahamon sa kakayahan niya bilang artista. Para kay Yam, “Challenging ang role ng isang kontrabida. Mahirap gawin pero tatatak sa publiko ‘yung character na pino-portray mo on screen. I hope someday makagawa ako ng serious film na bibigyang-halaga ng manonood ang pagiging actress ko. Alam kong marami pa akong dapat matutuhan and I’m willing to learn,” ani Yam.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING