Yeng Constantino to Ryan Bang: ‘Hindi kita binasted!’

TRENDING kahapon sina Ryan Bang at Yeng Constantino. Bakit? Dahil hindi sinasadyang naungkat ang kanilang dating ugnayan habang ongoing ang ‘Tawag ng Tanghalan’ segment ng ‘It’s Showtime’.

Nag-umpisa ang shocking confrontation ng dalawa nang i-share ng contestant ng programa na ayaw nitong pumasok sa isang relasyon dahil takot siyang masaktan.

Yeng Constantino to Ryan Bang: 'Hindi kita binasted!'
Yeng Constantino and Ryan Bang

Sa una ay sumang-ayon si Yeng sa pahayag ni Vice Ganda tungkol sa usaping puso.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga… ‘Diba Ryan?” biglang tanong ni Yeng na ikinagulat din ni Ryan.

Dahil sa pagkagulat nilang dalawa ay ipinakuwento muli ni Vice Ganda kay Ryan kung ano ang ugnayan nila ni Yeng for the sake na rin ng mga madlang pipol na hindi aware sa kanilang past.

“Unang crush ko kasi si Yeng. [Year] 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng Korean actor.

Klinaro ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan nang tanungin ni Vice kung gaano katagal bago naka-move on ang kanyang anak-anakan.

 

“Hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon,” sambit ni Yeng kay Ryan. “Tumigil na lang siya magpadala ng kape.”

Inamin ni Yeng na nasaktan daw siya nang bigla na lang tumigil si Ryan sa panliligaw na wala man lang pasintabi.

“Oo, na-sad ako noon,” sagot nito kay Vice.

Nang tanungin kung may pag-asa ba si Ryan kay Yeng: “Siyempre ngayon, iba na, may asawa na ako. Pero noong time na ‘yun, kilig na kilig talaga ako sa kaniya.”

Noong 2012 ay inamin din ni Yeng na minsan ay naging crush niya si Ryan.

Nakakaloka! Kung sakali pala ay may pag-asa sana na naging sina Ryan at Yeng kung mas nagkalinawagan lamang sila!

Dahil sa rebelasyon na ito, naisip ng mga fans and followers ng dalawa na baka sinulat ni Yeng ang kanyang hit song na ‘B.A.B.A.Y’ para kay Ryan Bang.

Ikinasal si Yeng kay Yan Asuncion noong 2015. Ito ang kanyang first and last boyfriend.

Hindi tuloy napigilan ni Ryan na magreminisce kung gaano siya ka-persistent sa panliligaw kay Yeng noon.

“Tuwing Thursday yata noon sa ‘PBB’ (Pinoy Big Brother), may taping ka, nagpapadala ako ng kape. Tapos nagsimba pa tayo together tuwing Linggo. Bago ko nakilala si Yeng, hindi ako nagsisimba, e.”

Tinanong tuloy ni Vice kung bakit nga ba tumigil si Ryan sa panunuyo kay Yeng noon.

“Ayan na! Mag-i-explain na siya! Ano’ng nangyari?” asar ni Yeng kay Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin,” pag-amin ni Ryan na ikinagulat naman ni Yeng. “Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin.”

Inamin din niya na akala niya ay pinopormahan siya ni Richard Poon.

“Tapos, sumasama ka kay Richard Poon, ‘yun pala, prayer meeting iyon sa Tagaytay. Akala ko nag-outing kayo. Akala ko, ayaw mo sa akin,” pagrarason ni Ryan.

Nilinaw naman ni Yeng na out of town prayer meeting lang ang pinagsamahan nila noon ni Richard Poon.

Dahil dito ay sinermonan on the spot ni Meme Vice si Ryan. Nag-apologize din ito kay Yeng sa ginawa niyang pag-ghost sa dating nililigawan.

“Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.” muling pag-amin nito na napa-awww na lang ang lahat lalo na ang mga madlang pipol sa kani-kanilang mga bahay.

Tinanggap ni Yeng ang apology ni Ryan at sinabi niya pa na, “Feeling ko, suwerte ng magiging jowa nito kasi napakalambing talaga.”

Sa isang clip na hindi na naipakita sa TV ay nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa.

“Okay na ako. Siyempre may asawa na ako.

“At least, ito, may closure na tayo,” malumanay na sambit ni Yeng kay Ryan.

Grabe!!! Nakakaloka! Si Yeng Constantino na nga ang TOTGA ni Ryan Bang – The One That Got Away.

TOTGA din ni Yeng si Ryan – The One That Ghosts Away!

 

 

Previous articleRabiya Mateo makikipagbakbakan na sa Agimat ng Aguila Season 2
Next articleThings You Didn’t Know About Sef Cadayona