Yeng Constantino still low-headed inspite of success

ADVERTISING

Yeng Constantino still low-headed inspite of success

Yeng Constantino still low-headed inspite of successOLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh yes, now na! Don’t make your Monday a blue Monday. Kaya naman, last week ay matagal tayong nanahimik sa mga intriga at pinigilan nating ‘wag na munang mag-chikahan.

ADVERTISING

Pero ngayon, medyo slight lang muna ang ating isi-share, dahil kung ako ang tatanungin n’yo kung saan ako nag-Holy Week o nagbakasyon? As usual, sa bahay lang ako at nag-full rest ang beauty ko… ang taray, ‘di ba?

Pero ang mga parazzi girls natin ay nagkalat at maraming chikka sa atin.

Simulan muna natin ang Kapusong Eat Bulaga. Ang taray ng mga ito at sa Vancouver sila nag-spend ng Holy Week. At ang chikka nga ng mga karamihan, itong si Allan K nga, ipini-friend ang ating parazzi girl para maka-booking siya sa Vancouver.

ADVERTISING

Ooops! Ano ba ‘yan , te! Holy Week na Holy Week, huh! Dapat kinalimutan mo muna, o hindi lang talaga matiis? Hahaha! Ang masasabi ko lang, ang saya naman ng mga taga-Eat Bulaga. kaya tumatagal ang kanilang programa dahil sa kani-lang magandang samahan.

O, ITO NAMANG isang singer na ito na napapabalitang T-bird na si Yeng Constantino, nasa Boracay naman siya noong nakaraang linggo para mag-shoot ng kanyang video para sa isang programa niya sa kapamilya.

Marami nga ang nagsasabi na buti pa si Yeng, kahit nanalo siya sa Pinoy Dream Academy, hindi lumaki ang kanyang ulo, hindi kagaya ng ibang mga artista na may attitude problem. Dapat ganu’n lang talaga. ‘Di ba, Sarah G.? Hahaha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong actress na ito na talaga namang wala nang karisma? Saktong-sakto kasi, isang taxi driver ang nagkuwento talaga sa akin, na itong actress na ito ay talagang nagpahatid sa paroroonan niya, at pinaghintay ito at pagkatapos ay nagpahatid ulit sa pupuntahan niya.

Nakakaloka kasi, ang metro ay pumapatak na. Akalain mo, kinuha pa ng actress ang number ng taxi driver at parang inuuto-uto ng lola mo, ‘te! Itanong mo kung magkano ang binayad? Hahaha! P50!

Kinabukasan, nag-text at nagpapasundo ulit sa taxi dri-ver. Sinabi na lang ng taxi driver na hindi siya bumiyahe. Sa tingin mo naman, ‘te, makakaulit ka pa? Hahaha! Kahit sino ka pa? Siguro, kaya nasunog ang balur mo… hahaha! Nakakaloka talaga!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING