Yeng Constantino naglabas ng music video para sa kantang ‘Kumapit’

LIMANG BUWAN na ang nagdaan simula nang ilabas ng OPM Pop Rock Princess na si Yeng Constantino ang kanyang inspirational song na ‘Kumapit’. Sa wakas ay naglabas na ito ng music video para sa awitin na talagang kinapitan ng kanyang mga tagahanga.

Si Yeng mismo ang nagsulat ng kanta na ang main goal ay ipaalala sa tao na dapat ay maging malakas at kimapit lang kahit pa napakaraming nangyayari sa mundo. Mula sa direksyon ni John Valdez Tan, mapapanood na ang music video sa official YouTube page ng Star Music ng ABS-CBN.

“Sana habang pinakikinggan n’yo to mabigyan kayo nito ng pag-asa, lakas ng loob at kalakasan. Laging nand’yan ang Diyos para sa’tin! Kumapit lang tayo sa Kanya” post ni Yeng sa kanyang social media account.

Parang kailan lang ay nakilala natin si Yeng Constantino bilang isang simpleng rakista na nangarap na manalo sa Pinoy Dream Academy. Sa susunod na buwan ay 15 years na sa showbiz ang Pop Rock Princess! Feel old yet?

Ilan sa mga most-loved songs ni Yeng Constantino ay ang ‘Lapit’, ‘Cool Off’, ‘Chinito’, ‘Ikaw’ at marami pang iba. Si Yeng din ang isa sa mga instrument para manumbalik ang interes ng kabataan sa OPM music.

Maliban sa pagiging singer ay pinasok na rin ni Yeng ang pag-arte sa mga award-winning films tulad ng Shift, The Eternity Between Seconds at Write About Love.