Yeng Constantino at Sam Milby, nagde-date na?!

MIYERKULES NG GABI, may nagtsika sa amin na nakita raw niya sina Sam Milby at Yeng Constantino na nag-watch ng movie sa Trinoma Cinema. Kaya naman hindi siya makapagtimpi na tanungin sa amin ang kanyang nakitang pagsasama ng dalawa na isang gabing panonood.

Wala kaming maisagot sa itinanong sa amin, na may relasyon nga ba sina Sam at Yeng? Nag-isip kami sa kanyang tanong at kuwento.

Kung sa bagay, wala namang masama sa pagkikita o pagsasama ng dalawang singers. Babae at lalake, binata at dalaga at wala naman silang pag-amin na meron silang mga karelasyon.

Hindi namin kinukumpirma na sila na. Malay natin, sinundo lang ni Sam si Yeng. O baka naman meron silang show o kaya naman ay meron silang taping.

Hayaan n’yo, oras na lumabas ang tsikang ito ay tiyak namin na meron na silang malinaw na isasagot.

Kapag nagkataon, marami ang maiinggit kay Yeng. At suwerte naman ni Sam. Balita nga naming, wala pang nagiging karelasyon itong si Yeng. ‘Yun na!

BLIND ITEM: ISANG tumatalbog na blind item ang ibibigay namin sa inyo. Ang bida ay ang isang former beauty queen cum TV host na nag-isyu ng tsekeng talbog sa isang negosyante. Ang tsika ay bumili o umutang ng signature bag ang bida natin, tumataginting na 90k ang presyo ng bag at nagkaayos sila na three gives ang magiging bayaran.’

Bale 30k kada hulog. Kaso ang nakakalokah, ‘yung dalawang tsekeng inisyu ay nagdribol, dalawang tseke ang nag-bouncing na nagkakahalaga ng 60k. Kaya hayun at nalokah ang negosyante.

Mabuti na lamang at mabait ang nasabing alahera kaya pinagbigyan niya ang promise na pagbabayad.

Sana naman paglabas ng tsikang ito ay okey na ang payment ng former beauty queen cum TV host.

O, gets n’yo na ba kung sino siya?

Naku! Ano kaya’ng masasabi ng kanyang boyfriend?

MATINDI ANG BILIN ng Wil Productions at TV5 na bawal o huwag nang pumunta sa Smart Araneta Coliseum ang mga taong gustong manood ng 1st anniversary ng Wil Time Bigtime ngayong Sabado, October 22.

Ang may mga tiket lamang na hawak ang puwedeng pumasok. At magiging matindi ang security. Kasali na riyan ang mga kapulisan ng Quezon City. Kaya mag-watch na lamang sa inyong ta-hanan ang mga walang tiket.

Sa totoo lang ay ibang klase talaga si Willie Revillame. Ang mahalaga sa lahat kay Willie ay ang seguridad ng mga tao ngayong Sabado. Kaya inuulit namin na manatili sa bahay ang walang tiket.

Congrats to Willie sa kanyang unang anibersaryo.

Ugaliing makinig sa aming number one radio program sa umaga na Wow Ang Showbiz sa DWIZ 882 khz, Mondays to Fridays 11AM to 12NN. Kasama ang inyong abang lingkod Ms. F as in Fernan de Guzman , Mimi at Francis S, at Chicha Laff.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articlePia Guanio, buntis kaya napabilis ang kasalan?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 132 October 21 – 23, 2011 Out Now!

No posts to display