Yen Santos, walang masyadong dating

ADVERTISING

Yen Santos, walang masyadong dating

Yen-SantosTAPOS NA ang Pure Love ng ABS-CBN at isa sa naging bida rito ay itong si Yen Santos. Sa true lang, hanga kami sa acting na ipinakita nitong si Yen sa said serye. At minsan nga ay napanood namin siya sa Maalaala Mo Kaya na siya ang bida sa papel na isang nangarap na maging TV reporter.

Nahusayan kami sa kanya kahit na bago at nakapagde-deliver naman.

At masuwerte nga siya dahil nga may kasunod agad siyang serye, at ito ngang Dream Dad na ang bida ay si Zanjoe Marudo at ang cute na batang si Jana Agoncillo.

“May kulang sa babaeng ‘yan?” sey ng isang bitchy reporter.

ADVERTISING

“Maamo naman ang mukha, pero walang masyadong dating. Kumbaga sa pagkain, matabang. Hahaha!”sey ng isang showbiz insider.

Teka muna, oras nga na makita ko itong si Yen ay kakausapin ko. Kababayan ko pala itong young actress na produkto ng PBB.

Ano nga ba ang kulang kay Yen? PR ba? Well, aalamin ko nga.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING