Yen Santos, todo-toothbrush at mouthwash sa love scene nila ni Piolo Pascual

ADVERTISING

Yen Santos, todo-toothbrush at mouthwash sa love scene nila ni Piolo Pascual

Yen Santos & Piolo Pascual
Yen Santos & Piolo Pascual

Ang alam ko, this week kukuhanan ang exciting love scene ni Yen Santos at Piolo Pascual.

Yesterday, tinext namin ang supervising producer ng pelikulang “Once In A Lifetime” ng Regal Films na si Manny Valera, hindi siya nag-reply sa tanong namin kung natuloy na ang eksena.

Ang fans kasi ni Yen na followers namin sa aming social media account na @rkvillacorta (follow us sa Instagram at Twitter), nag-uusisa kung naganap na ang hinihintay ni Yen kahit kabado siya sa mangyayari sa magiging love scene nila ng aktor.

Sabi niya, during her contract signing sa Regal recently, “I’m excited, pero kinakabahan. Siyempre, Piolo Pascual ‘yan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaskyon ko during the love scene. Pero I will be ready,” sabi nito sa amin.

ADVERTISING

Sa love scene nila ni Papa P., sabi ni Yen magtu-toothbrush nang makailang beses at magga-gargle ng mouthwash bago kunan ang eksena.

“Nakahihiya kasi kay Papa P. kapag hindi ako nag-ready,” sabi niya.

Habang isinusulat namin ang column item na ito, wala pang ibang detalye mula sa Regal Films kung kailan ito ipalalabas.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING