Yen Santos, nilinaw ang isyu sa na-link na pulitiko

ADVERTISING

Yen Santos, nilinaw ang isyu sa na-link na pulitiko

NAGTATAKA si Yen Santos kung bakit ayaw mamatay-matay ang isyu na meron siyang karelasyong isang politician. Ayon sa leading lady ni Piolo Pascual sa “Northern Lights: A Journey To Love”, matagal na raw ang naturang isyu.

Yen Santos, nilinaw ang isyu sa na-link na pulitiko
Yen Santos

“Tito Leo, ang tagal na ng isyu na ‘yan. Nakakaloka,” bulalas niya sa amin.

Patuloy pa niya, “Ang akala pa nga nila, anak ko ‘yung bata (referring sa kanyang batang kapatid). Hindi ko alam kung bakit ayaw mamatay-matay ng isyu na ‘yan.”

Totoo raw na nanligaw ang guy, pero hindi raw naging sila dahil ibang non-showbiz guy ang naging BF niya.

ADVERTISING

“Non-showbiz po ‘yung last ko pero hindi ‘yung politician na ‘yon. Hindi talaga, Tito Leo. Tsismis lang talaga ‘yon.

“Siyempre, alam mo ‘yon, hindi naman maiiwasang may aaligid, pero hindi naman ‘yung talagang dyudyowain, hindi,” diin pa niya.

Showing ang “Northern Lights” on March 29. Produce ito ng Regal Entertainment, Star Cinema, at Spring Films na ang isa sa mga may-ari ay si Piolo.

ADVERTISING